Today is the day.
I was finally getting married to the man of my dreams.
Hindi ko lubos maisip. Ang haba na ng nilakbay namin. Ang dami na naming napagdaanan. Oo, maraming tumutol at nagsabing bata pa kami, ano bang alam namin, o kung sigurado ba kami. Pero hindi nila alam. Wala silang alam.
Ganoon naman 'yon palagi, e. Maraming tao ang puro opinyon na lang. Puro mali ang nakikita sa iba. Bakit hindi nila sanayin ang sariling tumingin sa mga magagandang nagagawa ng tao? Hindi ang tingin lang ay ang mga pagkakamali nila. May karapatan naman silang manghusga dahil may utak at bibig sila, pero buhay ko 'to, buhay namin 'to. At hindi nila alam ang istorya.
Hindi namin alam kung ilang oras na lang ang natitira sa amin ni Enzo.
Hindi namin alam kung bukas makalawa, nandiyan pa siya.
Oo, parehas kaming natatakot. Pero parehas naming piniling mas matimbang ang pagmamahal namin sa isa't-isa at hindi kami magsasayang ng oras para lang mangamba.
Alam kong noong una maraming nagdududa.
Kung natuturuan lang talaga ng utak ang puso, siguro pinakinggan ko sila. Pero siguro nga, lahat talaga ay nagiging tanga at baliw sa pag-ibig. Siguro kasi hindi naman talaga ako ganoong katalino kaya hindi natalo ng utak ang puso ko. O baka kasi, simula pa lang, alam ko na kung sino ang tinitibok nito.
Mahal ko si Enzo.
Kahit ilang beses kong sabihin, siya at siya ang mamahalin ko. Hindi dahil sa gusto ko ang idea na siya ang makakatuluyan ko pero dahil kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ay kumpleto ako. Kapag wala siya, nalulungkot ako kasi parang may kulang. Kapag hindi ko naman siya kasama, hinahanap ko siya. Kapag nandiyan siya, tumitigil ang oras. Alam kong may ibang taong mas deserving ng pagmamahal ko o ng pagmamahal niya. Pero kami ang pinagtagpo. Kami ang nakatadhana. Siya at ako. Sa kabila ng lahat ng ito.
"Hope, ready ka na?" tanong ni Mama na nasa labas ng pangkasal na kotse na sinasakyan ko.
"Opo, handa na," sagot ko.
Hindi maipaliwanag kung gaano ako kasaya noong mga oras na 'yon. Ang lalaking pinangarap ko, minahal din ako at sa ilang sandali, magiging kabiyak ko. Hindi ko maipinta ang nararamdaman ko. Ang mahal mo, mahal ka rin- cheesy, cliché o, gamit na gamit man. Kailan ba nawala sa uso ang umibig?
Bumaba ako sa sasakyan. Naglakad ako papunta sa pintuan ng simbahang nasa tuktok ng 100 Steps to His Paradise.
Kapag binuksan nila ang pintuang 'yon, mag-iiba na ang buhay ko. Hindi na ako si Fiella Michelli Hope I. Yazon. Magiging Fiella Michelli Hope Y. Gutierrez na. Kapag binuksan ko 'yon, makikita ko ang lahat ng taong nagmamahal sa akin, nagmamahal sa kanya, at ang mga taong mula umpisa ay nandoon na sa tabi namin.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Punung-puno ang puso ko. Malungkot kasi parang nagpapaalam ako sa lumang parte ng buhay ko. Natatakot kasi hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos noon, kung may mag-iiba ba sa buhay at pagkatao ko. Pero nanaig ang saya ko, kasi lahat ng takot ko haharapin ko kasama ang taong pinakamamahal ko. Lahat ng iyon ay mag-iiba pagbukas ko ng pintong iyon.
Narinig kong tinugtog ang paborito naming kanta ni Enzo para sa wedding march.
Ito na talaga. Handa na ako.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
Storie d'amoreMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...