CHAPTER 12

53 1 0
                                    

"Hope. Ano ba? Pumasok ka na nga sa tent, pumapasok ang mga lamok," iritang sabi ni Mico. "Sino ba 'yang- Enzo?" Nakita niya si Enzo na nasa labas ng tent. "What are you doing here?"

"I asked Hope to go stargazing with me."

"Where?" medyo pasigaw niyang sabi.

"You wanna come?" invite ni Enzo kay Mico.

Ay, akala ko special sa akin ang invite.

"Sorry, Enzo... Kailangan ko kasing magpahinga. Baka ma-infect ang sugat ko," paliwanag ko.

"Yeah, I forgot. Sure. I'll ask Venice na lang. You should go to sleep," paalam ni Enzo.

Medyo nasaktan, nagselos, at nanghinayang ako na si Venice ang kukuha sa pwesto ko dapat.

"Why is Gutierrez asking you out? He's never like that. Well, matulog ka na nga!" sabay higa ni Mico at natulog.

"Kung sasama ka kay Enzo wala ka namang gagawin. 'Di magsasalita si Gutierrez. At kapag stargazing, ayaw niyang may nagsasalita. Kakagatin ka lang ng lamok doon. Baka ma-infect pa sugat mo. Kaya 'wag mo ng isipin yon. Matulog ka na lang," pahabol pa nito.

"Isa pa, mas okay kung nandito ka sa tabi ko. Nababantayan kita," sabi pa niya pagkatapos kong mahiga.

Medyo nagulat ako. Nag-init na naman ang mukha ko kaya pinilit ko na lang na matulog na.

••••••••••••••••••••••••••••

"Guys! Ang activity for today is Hunting and Gathering," announcement ni Ms. Ira kinabukasan. "May ikinalat kaming mga supply sa buong forest. Kukunin n'yo ang mga ito para maging supplies n'yo. This will not be easy, buong forest ang nilagyan namin and hindi madaling makita ang mga supplies."

Naalala ko ang tuhod ko. Medyo okay naman na at may first aid kit din daw na nakakalat sa buong gubat.

"You can do it by pair, individually, or with your friends. Or if you want, do it together to develop the camaraderie," pahabol ni Ms. Ira.

Nang makuha naming ang lahat ng instructions, nag-start na kami maghanap. Sumama ako kina Chelsea at Miks sa paghahanap. May mga nakita akong rope, first aid kit, blanket, kandila at posporo, alcohol, mga tinapay. Noong medyo tanghali na, sabi ko kina Miks uupo lang ako sa may puno kasi inaantok na ako. Madami na kasi akong nakuha, sila, kaunti pa lang. Hindi ko na napansing nakatulog na ako dahil sa malamig na simoy ng hangin at preskong pakiramdam sa may puno.

Nagising na lang ako nang maramdamang may nakatayo sa gilid ko.

"Enzo?"

"I saw you here. It's getting dark, I think we should head back to the camp," paalala niya.

Tumayo ako pero biglang kumirot na naman ang sugat ko. Inalalayan ako ni Enzo at unti-unting naglakad. Napatingin ako sa paligid. Ang dilim na pala! Cellphone niya ang ginamit na ilaw. Fifteen minutes na kaming naglalakad at medyo sumasakit na ang tuhod at paa ko.

"Hope... I think we're lost," sabi niya sa akin nang wala na kaming makitang camp. 'Di ko alam kung matutuwa ako na kaming dalawa lang ang magkasama o matatakot kasi hindi namin alam paano babalik sa camp. Nang maglaon, may narinig kaming sumisigaw.

"Hope!"

Lumaki ang mata ko nang makita si Mico. Ilang oras na rin kaming nawawala ni Enzo.

"Naliligaw ka rin ba?" tanong ko kay Mico.

"What? No way. We were looking for you!" sagot niya.

"We? Where are the others?" tanong ni Enzo.

Sumagot si Mico, "Actually, ako lang ang nakarating sa part na ito ng gubat, so...."

"Nawawala ka rin?" tapos tumawa na ako nang malakas. Asar na asar si Mico.

Nagalit si Mico at sinisi ako lalo. "Nandito tayo sa gitna ng gubat na walang kasiguraduhan kung ano bang meron dito dahil sa 'yo!"

Bakit ako na naman?

"Stop it. We should wait for the others. I think they're looking for us right now. If they can't find us as soon as possible, then we might as well stay here than wander around. It's more dangerous," sabi ni Enzo sabay labas ng kumot na siguro ay nakuha niya kanina.

"Ito naman ang nakuha ko, kandila tsaka posporo," abot ko kay Enzo.

Sobrang tahimik at puro kuliglig lang ang naririnig namin. Nag-ayos lang kami roon ng pupwestuhan habang hinihintay ang iba naming mga kasama.

"Grabe! Mamamatay na ako sa pagka-bored! Pwede bang maglaro tayo?" sabi ko sa kanila.

"What game?" tanong ni Mico.

"Let's play 20 Questions! Magtatanong tayo ng 20 questions sa isa't isa to get to know each other. Good way to bond kaysa naman nakikipagtitigan tayo sa mga stars," suggestion ko sa kanilang dalawa.

Sinimulan ko na rin ang pagtatanong, "Anong first impression natin sa isa't isa? Ako, impression ko kay Mico ay mayabang siya at bully siya. Si Enzo gwapo pero weird. Sorry."

"I knew Loyola since we were kids, so I don't really know what my first impression was of him back then. But you, Hope, I thought you were really careless," sagot ni Enzo.

"Same with Gutierrez, but my impression of you Hope is that you were a social climber. Irritating and loud," sabi naman ni Mico.

"E, hanggang ngayon, 'yan pa rin naman ang tingin mo sa akin!" sabi ko kay Mico.

At nagsagutan kami mula roon. Hindi na tahimik pero nagsimula na naman kami ng pag-aaway. Nang medyo humupa ang away, bumalik kami sa tanungan. Tungkol sa bawat isa, tungkol sa dream date at greatest fears naming tatlo. Kung anu-ano lang. Kahit paano, naramdaman kong napalapit ako sa kanilang dalawa at medyo nalibang kami habang wala pang dumarating para sunduin kami.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon