Pagkagising ko nang madaling araw, tinext ko si Kuya Driver ni Mico. Pagdating niya sa bahay, ibinigay ko ang nilutong ulam ni Lola para kainin niya ng breakfast. Pumasok naman ako sa school para sa awarding ng intrams. Sa halos lahat ng sport, second place lang kami sa Section A except sa basketball. Champion kami dahil kay Miks.
Naikwento ko rin kina Miks at Chelsea ang lahat ng pang-aalilang ginawa sa akin ni Mico. Habang pinagkukwentuhan namin siya, naalala kong kumustahin kung buhay pa siya.
"Who's this?" sabi niya galing sa kabilang linya.
"Si Hope. Check mo kaya ang phone mo," sabi ko.
"Don't want to. Why'd you call?"
"Chine-check lang po kita. Kumusta ka na?"
Hindi sya sumagot.
"Siya, sige. Text mo lang ako kapag may kailangan ka o kung gutom ka. Magpapadala ako ng pagkain kay Ate. Sayang load ko, text na lang."
"Kuripot," mahina niyang sabi. "Just tell your lola and ate na thank you and masarap ang luto ng lola mo. Hindi ko alam bakit 'di mo sila magaya. Ang luto mo, yuck," sabay baba ng phone.
May pagka-weirdo yata talaga si Mico. Minsan galit, minsan hindi. At anong hindi masarap ang luto ko, e halos i-inhale niya 'yong adobo kahapon?
Nagpaalam na ako kila Miks at Chelsea para bumalik sa room. Sa dami ng makakasalubong, nakasalubong ko bigla si Bryle.
"Hi, Love!" bati niya sa akin.
Kunwari nag-ayos ako ng bangs dahil pinagtitinginan kami ng ibang tao.
"I heard you were absent yesterday dahil kay Mico? Pinapunta ka sa bahay niya? Nice one. Kami pa lang ang nakakapunta sa bahay niya tapos ikaw pa ang unang tinawagan para ipaalam na may sakit siya. Mukhang ang baby ng Tres Gwapitos ay nagbibinata na."
Natawa ako. Parang hindi naman baby si Mico, laki laki niya, e.
"Baka agawin ka pa niya sa akin, ha? Alam mo namang naghihintay lang ako ng permission mong mahalin kita," sabay kindat with matching ngiti.
"Alam mo na ngang gwapo ka, nang-aakit ka pa!" pabiro kong sabi sa kanya.
"Why are you so straightforward? Kaya gusto kita, e," sagot ni Bryle. "O, gulat ka? Maniwala ka kasi sa sarili mo. Ang baba ng tingin mo sa sarili mo. Sino pa ang makakakita ng worth mo?"
"Sige na. Quota ka na sa pogi points sa akin," pagpapalayas ko sa kanya.
Pabalik na sana ako sa classroom nang makasalubong ko naman si Enzo na nakatayo sa may porch. Lahat ng Section F pinagtitinginan siya.
"Hope!" tapos kumaway siya. "I was looking for you."
"Bakit? Anong kailangan mo sa akin," nakangiti kong sagot.
"Nothing. I just kinda wanted to see you," tawag niya.
Parang natunaw na ang tuhod ko sa kilig. Totoo namang dinalaw ako ni Enzo pero isang dahilan din kaya nandoon ay dahil kailangan niyang kausapin si Ms. Iñigo. Nag-volunteer kasi si Enzo as representative ng Outdoor Club sa Save The Dolphins campaign. Siyempre sumali rin ako.
Ang activity for Save the Dolphins ay mural painting. Enjoy naman kaming dalawa ni Enzo pero mas enjoy yata ang mga girls na umaaligid sa kanya. Ito namang si Enzo, biglang sumungit, halos nod lang ang iginaganti niya sa lahat ng kumakausap sa kanya. Hindi nga halos ngumingiti. Hindi naman siya ganoon sa akin, buti na lang.
"Hi," bati ng isang stranger.
Tiningnan ko lang siya.
"Sungit, ha," sabi niya. Ako nga pala si Tommy. Representative ako ng Dance Club."
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...