"Hi, Enzo," bati ko pagpasok sa kwarto niya. Maputlang-maputla ang hitsura niya pero gwapo pa rin.
"Hope? Wait, where am I?" tanong niya agad. "Why are we here? I- do you know?" tinanong niya sa akin na parang hindi ko dapat malaman ang lahat ng nalaman ko.
Tumango na lang ako. Tapos nagwala na siya roon.
"Why?! Who told you?! Why- nooooo!" Galit na galit siya pero wala siyang magawa kaya umiyak na lang siya.
Niyakap ko siya para kumalma.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Hanggang kailan mo balak itago, ha? Hanggang sa wala ka na? Sa tingin mo hindi mo ako masasaktan sa ginawa mo? Nabasa ko na ang sulat ni Eula. Sinabi niya lahat," sabi ko habang yakap siya. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga.
"I'm sorry," mahinang sinabi niya.
"Ayan ka na naman diyan sa sorry mo, diyan ka magaling! Pwede bang tigil-tigilan mo na 'yang pagso-sorry na 'yan at bumawi ka na lang sa akin? Alam mo bang galit na galit ako sa'yo ngayon?" binulyawan ko siya.
"I-I was-I thought I was being selfless. I don't want to hurt all of you."
"Pero nasaktan pa rin kami, hindi ba? Nasaktan kami kasi mahalaga ka sa amin. Enzo, hindi mo kayang magdesisyon para sa lahat. Hindi mo kayang pangunahan ang sasabihin at mararamdaman ng iba. Kaya please, sabihin mo sa akin lahat."
Enzo covered his face. "I feel so useless. Bakit kailangan mong mag-alala para sa akin? I hate this-"
Pinigil ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti lang ako para huwag na siyang magsalita pa nang makakasama sa kanya.
"Tell me everything, Enzo. How are you feeling right now? Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin, Enzo?" tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung ano talagang nasa loob niya.
"Because I was scared! I was scared that I'm going to lose you. Either way, mawawala ka rin sa akin. Paano kung sabihin ko sa'yo tapos matakot ka, mawala ka? Or what if you stayed, at ako ang mawala? Paano ka? I'm not that selfish. I don't want to be selfish. I don't want to hurt you."
"Pero ano bang nangyari?! Hindi ba nasasaktan mo rin ako? Nasasaktan mo rin kami ni Mico..."
Natigilan siya noong sinabi kong nasasaktan rin si Mico.
"I know. I'm a jerk. Lalo lang ako nakasakit. Sana hindi ko na lang sinabi. Sana hindi ko na lang binigay ang sulat ni Eula. Sana-"
"Puro ka sana! Nagawa mo na! Tapos na! Lahat ng kinakatakot mo, nangyari na. Bakit? Bakit kailangan mo pang matakot?" sabi ko sa kanya.
"Because all my life, I was living in fear! I had to suffer this kind of disease na hindi ko alam kung kailan ba ang huling araw ko o kung kailan huling titibok ang puso ko! And after that, what? I will be gone. That's it. And I can't help that I'm just scared of everything right now. I'm scared of losing you, I'm scared of losing everyone. I'm scared of dying. Because I will, Hope. I will die," pag-amin ni Enzo.
Akala ko, alam ko na kung gaano kabigat ang dinadala niya pero hindi pa pala.
"I wanted to give up. But you know, what? You always pop in my mind whenever I think of those thoughts, and I always end up thinking that if I'm still given another day to see you for maybe, the last time, then why would I want to end things up? Hope, you were my hope. You're that one person that keeps me from giving up. You're almost everything to me," sabi ni Enzo.
Hindi ko pa alam na ganoon pala ako kahalaga. Parang sasabog ang puso ko sa sinabi ni Enzo.
"You always say that you love me more, that you care for me more, but I don't believe that. No. I love you more. I love you so much that I was willing to give you up and keep everything a secret from you just so you can't experience the pain of losing someone. But I was too weak and selfish. The pain that I was suffering from this heart disease was too much, and seeing you with another guy while I'm still here, breathing, makes it so hard for me to let you go."
Naisip kong pareho lang pala kaming nahihirapan, pero baka double pa sa kanya dahil may sakit siyang dinadala.
"That time, I wanted you back, but I knew you hated me. I made it look like I used you. But I really wanted to tell you everything. I wanted to talk to you. I wanted to cry my heart out. I wanted to tell you how much it hurts, how sometimes it's really hard for me to breathe. I got scared that if I tell you everything, you'll leave. Who would want to waste their time loving a guy that isn't so sure when his last day on Earth would be? But what made me more scared is the fact that you might choose to stay. That you would want to stay by my side, and be there for me forever, and I can't give that to you. I can't give you forever, Hope. But every time that I spend with you is my almost forever."
Nahihirapan lalo ako sa naririnig ko. "Tama na. Okay na. Naiintindihan ko na. Pero please, habang nandito ka pa, ipangako mo sa aking lalaban ka. Ipangako mo sa akin na hindi ka basta-basta susuko. Sige, tanggapin natin na may sakit ka, na walang gamot diyan kaya gagawin nating masaya ang bawat oras na kasama mo ako, okay? Wala nang takot. Wala nang pagsisinungaling."
Um-oo naman siya.
"Ngayon... Babalikan mo ba ako?" tanong ko kay Enzo.
Nanlaki ang mata niya tapos namula ang mukha. "I don't know. Will you let me? Sinubukan ko ulit bumalik sa'yo. Baka sakaling mahal mo pa ako. But, I saw with my two eyes that you were already falling for Mico. Ano pang magagawa ko? At wala akong karapatan sirain kayo kasi ako naman ang may gawa noon. I was the one who gave you up. I should suffer the consequences. So I tried to walk away, brush my feelings off pero hindi ko kaya. Every time I see the both of you together, I feel like I'm gonna have an attack. Laging naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa sakit ko, o dahil sa sakit na nararamdaman ko kapag magkasama kayo. Sinubukan kong kalimutan ka pero hindi ko kaya. Kaya pwede bang hayaan mo akong maging selfish? Ngayon lang. Pwede bang hilingin kong bumalik ka na ulit sa akin?"
Hindi ko napigilang hindi mapangiti sa kilig. Minsan lang umamin si Enzo pero hindi naman ata deserve ni Mico kung biglang maging kami ulit agad.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi pa ako ready na maging boyfriend ka. Paano naman si Mico? Isipin natin siya," sagot ko kay Enzo.
"I know. I get it. I'm not forcing you. Basta... basta lang nandyan ka. Okay na ako."
"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Kung kailangan mo ako, kung masakit na, kung kailangan mo ng isang taong hindi susuko sa'yo, nandito lang ako."
"Yeah?"
"Yeah. Hindi kita iiwan. Nandito lang ako."
"And that is why I love you," sabay yakap sa akin.
"A-Ano ulit 'yon?" tanong ko.
Umalis siya sa yakap at tumingin sa akin. Ngumiti siya habang hinahawakan ang pisngi ko.
"I love you, Fiella Michelli Hope I. Yazon. FMHIY."
Pumatak ang luha ko. First time niyang sabihing mahal niya ako.
"Forever My Heart Is Yours."
Then he kissed me.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...