CHAPTER 30

54 3 0
                                    

Eula left. Nasa States na siya before New Year. Ako naman nagmu-move on na sa buhay ko, salamat sa suporta ng mga bago at luma kong kaibigan.

"Hello?" sagot ko sa tawag ni Mico noong bagong taon.

"Hope!" sabi niya na parang hindi nag-e-expect na sasagutin ko ang phone. "Happy New Year," sabi niya.

"Sa'yo rin," sabi ko.

"I just want to tell you that it's a new year. It is also a new start. Get over Enzo. I love that dude, but he's not the right guy for you. A guy is never right for you if he makes you cry. Anyways, what I'm saying is you should begin again, fresh start, let go of the pain and the bitterness. At kung kaya mo na, love again. Malay mo, nandiyan lang sa tabi ang right guy for you. Baka kausap mo sa phone," sabay ubo kunwari.

"Oo na po. Magmo-move on na po. Susunod na po sa advice, salamat po, Mico Loyola," natatawa kong sagot sa kanya.

New Year. New Start. Move on.

•••••••••••••••••••••••••••

After ng bakasyon, pagpasok ulit sa school, balik sa realidad. Kinausap ako ng adviser ko tungkol sa scores ko sa third quarterly exam. May mga bagsak at mababa akong grade, maliban sa math. At dahil balik na ulit sa normal si Mico, at medyo close kami pagbalik ng school, siya ang naging tutor ko.

Araw-araw tuwing umaga pagkatapos ng football practice niya, pupunta siya sa classroom namin, minsan pawisan pa, at iche-check kung may assignment ako. Tuwing hapon, sabay kaming umuuwi sa bahay ko. Mula 5PM hanggang 8PM, tuturuan lang niya ako. Minsan, doon siya kumakain. Minsan naman, magpapadaan pa siya sa restaurant para hindi na nagluluto si Lola. Tuwing lunch, sinusundo niya ako. Sabay-sabay pa rin kaming kumain. Kasabay ng pagtutor, sabi niya iyon daw ang paraan ng 'panliligaw' niya.

"Valentine's Ball will be held on February 13. Ang gagawin n'yo lang ay mag-set up ng decorations. Napa-reserve na ang gym so lahat ng ide-decorate n'yo, wala nang guguluhin at dadagdagan na lang. You have three days in January: 29, 30, and 31. Iche-check namin ang decoration n'yo ng February 1. Nandito na lahat ng kailangan n'yo. Paint, art materials, colored paper. Mag-brainstorming muna kayo," sabi ni Miss Bisbal.

'Yon ang announcement niya sa mga napili ng bawat section na maging decorations head for Valentine's Ball. Ako na walang kaalam-alam sa art ang pinili ng klase ko. Feeling ko tuloy parang napag-trip-an ako. Hindi lang pala ako walang alam sa decorations, ako rin ang naging sentro ng asaran ng lahat ng volunteers. Ako raw kasi ang malanding taga Section F na trying hard sa Tres Gwapitos. Kaya, 'yon, OP ako at hindi join sa mga kasama ko.

Noong sumunod na araw, dumiretso na agad kami sa gym at inayos ang mga gagamitin sa pag-decorate. Noong nag-break, sama-sama silang kumain habang ako naman ay nanatili sa isang sulok. Noong hapon, natapos namin ang lahat ng decorations. Sa sumunod na araw, ikinabit namin ang mga nagawang decorations. Pati na rin ang mga tela para takluban ang bleachers at ang mga table na gagamitin.

"Alam mo, Hope, wala ka nang na-contribute dito. Noong nagbe-brainstorm, wala kang naitulong. Noong naggugupit, three hearts lang ang nagawa mo. Pagod na pagod na kami rito tapos ikaw, wala ka namang naitulong," sabi ni Abby, isa roon sa mga nangbu-bully sa akin.

"Oo nga. Sobrang unfair," sabi pa ng isa.

"You know what, ikaw na tumapos nito. Ikaw na ang magkabit ng hearts sa ceiling ng gym. Ikaw na rin ang mag-ayos ng stage. May design naman nang nai-drawing si Meghan. Unless hindi ka nakikinig sa napag-usapan," sabi ni Yesha.

Tuluyan na nga silang umalis at winarningan ako na kapag hindi pa ayos bukas, ako ang sisisihin nila at ipapahiya nila ako.

Napakarami pa ng gagawin, kaya nagpaalam na ako kay Ate at Lola na gagabihin ako. Wala akong choice, napakalaki ng gym at madilim na sa labas. Nag-CR ako sandali at paglabas ko, bigla na lang akong may narinig na naglalakad sa court.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon