Bumukas ang pinto.
Unang bumungad sa akin ang altar, at ang mukha ni Jesus.
Umusal ako ng maikling dasal. "Lord, thank you for everything. Thank you po for making me this happy. I owe everything to you, Lord."
Nakita ko rin lahat ng mga close na tao sa amin. Small wedding lang- family ko, family niya, kaunting members ng Outdoor Club, at siyempre, ang barkada. Nagsimula na akong maglakad. Tinitingnan ko ang lahat ng nandoon. Hindi ko maintindihan ang mukha nila. Masaya na malungkot. Naaawang nakangiti. Lahat sila, kakaiba ang tingin sa akin, masaya pero parang may kakaiba.
Noong malapit na ako sa altar, biglang humarap sa akin ang lalaking makakasama ko habang buhay.
Pero laking gulat ko nang pagharap ay si Mico ang nakita ko.
Nagtaka ako at isip ko, Bakit siya ang nandito? Anong ginagawa niya rito? Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko. Lahat sila, hindi ko rin maintindihan ang reaksyon.
"Hope. I'm sorry," sabi ni Mico.
Ayan na naman. Ayan na naman 'yang sorry na 'yan na hindi na matapos-tapos. Palagi na lang silang nagso-sorry sa akin.
"Nasaan-Nasaan si Enzo, Mico?" medyo mataas ang boses ko at parang pasigaw ang pagkasabi ko.
Hindi siya nakasagot. Nakita ko na lang na tumutulo na ang luha niya. Ayokong umiyak. Kung gusto man nila akong sorpresahin hindi magandang paraan iyon.
"Here," tapos inabot niya sa akin ang isang notebook.
Naalala ko iyon, ito ang planner ni Enzo.
My Daily Planner: Enzo Miguel Gutierrez
Noong makita ko 'yon, alam ko na. Nanghina ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Medyo nandilim ang paligid ko at namutla ako. Hindi ko alam, pero hirap na hirap na akong huminga... Teka, humihinga pa ba ako ngayon?
Alam ko na ang nangyari, nangyayari, at mangyayari.
Tumitig lang ako kay Mico, hindi ako makapagsalita kahit na gusto kong itanong sa kanya kung tama ba ang iniisip ko. Hindi ako makagalaw. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, pero parang nanigas lang ang katawan ko. Nakita ko lang siyang umiiyak. Lalapitan sana niya ako pero umatras ako. Ayoko. 'Wag muna niya akong hawakan, o yakapin, o kausapin dahil walang kahit anong pwedeng makakapag-ayos ng nararamdaman ko.
Hindi ko pa matanggap. Ayokong tanggapin.
Tumingin ako kina Venice, Bryle, Chelsea, at Miks na mukhang naintindihan na kung anong nangyayari. Lahat sila, umiiyak na. Tumingin ako sa kanila nang walang emosyon. Lahat sila, parang nag-aalala sa akin pero iniling ko lang ang ulo ko para sabihing huwag nila akong lapitan.
Binuksan ko ang planner ni Enzo. Ang kapal niyon.
Sa first page nakalagay:
"Hi, this is Enzo Miguel Gutierrez. 19 years old."
Hi. I'm Hope, sabi ng isip ko na parang kinakausap siya na kaharap ko lang.
Binuksan ko sa sumunod na pahina. Nakita ko lang ang picture niyang nakadikit. Doon na nagsimulang pumatak ang luha ko. Sa picture, nakaputi siya, mahaba ang buhok, at nakangiti. Nanginginig ako, pero hinawakan ko ang picture niya. Inilipat ko ulit sa sumunod na pahina. Nakita ko ang picture kong natutulog. Inisip ko pa kung saan 'yon kinuhanan, dahil naka-uniform ako at nasa clinic. Naalala kong iyon ay noong sinipaan ako ng bola ni Mico. Iyon din ang araw na nakita ko ang planner ni Enzo. Sa ilalim ng picture ko, may nakasulat.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...