CHAPTER 8

50 2 0
                                    

Pinapunta ako ni Venice sa benches ng varsity teams sa oval. Hindi ko alam kung bakit, baka may sasabihin siyang mahalaga. Habang naghihintay, nagulat ako nang dumating si Mico. Parang galit na napipilitan.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Venice forced me to talk to you," malamig niyang sagot. "As if I have a choice."

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin?" sabi ko para putulin ang awkwardness.

"Isn't it obvious?"

"Hoy, Mico, paano naman kaya ako makikipag-usap nang matino sa 'yo kung ganyan ka?" pilit ko sa kanya.

"Why would I want to talk to you?" galit pa ring sagot ni Mico.

"Kasi naman! Sagutin mo na lang ang tanong ko. Magagalit si Venice! Sige ka," pananakot ko.

"Fine. It's because you're loud, nosy, annoying, and stupid," diretsong sagot niya.

"Anong akala mo? Diyos ka? Ang kapal mo! Sino ka para laitin ako? Kahit hindi ako maganda, mayaman, at matalino, wala kang karapatang laitin ako kasi hindi ka rin perpekto!" Natahimik lang siya.

"Pero sinasabi ko 'to hindi para ipahiya ka... Gustong-gusto ko talagang maging kaibigan ka. Concerned ako talaga," sabi ko.

Mico looked surprised.

"Concerned my ass," bulong nito sabay walk out.

Nakakalungkot talaga. Ginawa ko na ang best ko, promise. Pero talagang ayaw sa akin ni Mico. Paiyak na sana ako nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Pagtingin ko, nandoon si Enzo at nasa likod niya si Mico.

"He wants me to talk to you," sabi ni Mico na parang napipilitan pa rin.

"I'm not much of a meddler, but you being such a douche to Hope is unacceptable. We know you, Mico, and you're not like that. Besides, Hope is really trying to befriend you. What's up with the attitude, Loyola?"

Nanahimik si Mico.

"Fine! I know it's my fault but... I really don't like you, Hope. Okay, I will try not to bully you anymore. "Try."

Tumayo na si Enzo, pero bago siya umalis nag-smile siya sa akin. 'Di naglaon, tumayo na rin si Mico at aalis na yata.

"Excuse me, saan ka pupunta?" pigil ko. "Hindi ka pa nagso-sorry!"

Parang batang inosente napagalitan si Mico. Nag-isip-isip siya.

"I... I... I don't want to say sorry!" namumula pa niyang sinabi.

"Inamin mo namang mali ka kaya mag-sorry ka!"

"I don't apologize, okay," matigas pa rin niyang dahilan.

Alam naman niya na mali siya, at nakita ko na ang okay niyang side kaya ayoko nang ipilit pa. Paalis na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Do you like ice cream?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. "Oo. Bakit?"

"Fine. I'll just treat you that."

Wow, si Mr. Loyola! Ililibre ako. Lagot siya kasi uubusin ko ang pera niya!

"It's my way of saying sorry. Come on, can you get any more stupid?" inis na sabi niya.

"Humanda ka!" tatawa-tawa kong sagot.

Sa sobrang dami kong in-order, halos sumakit ang tiyan ko. Wala namang nagawa si Mico. Nagpa-takeout pa ako ng ice cream para itodo ang panlilibre niya. Habang kumakain kami, pinilit ko siyang huwag na akong i-bully. Susubukan raw niya kasi hindi niya kayang baguhin ang sarili niya. Napa-oo ko naman siya na sana 'wag na akong sabihan ng masasakit na salita. Nakangiti at nang-aasar siyang umalis at tumakbo papunta sa pinto ng ice cream shop sabay belat sa akin. Parang bata talaga iyong si Mico pero at least okay na kami.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon