Pagkatapos mag-dinner at mahabang paliwanagan sa lola at ate ko kung bakit ako napunta sa clinic, excited akong pumasok sa kwarto ko para sa planner ni Enzo.
Tinitigan ko ang planner ni Enzo, nakaka-in love ang ganda ng sulat niya! Pagbukas ko ng planner...
"Ano ba 'to! Ang dami naman niyang planong gawin!" gulat kong sabi.
Napaisip ako kung iyon ba ang mga task na ibinigay ni Miss Bisbal, sobrang dami kasi. Nagulat din ako na pumayag naman si Enzo para gawin ang mga 'yon.
Tuesday: Ride the LRT.
Monday noong araw na 'yon, mag-e-LRT siya kinabukasan. E kung ako rin kaya mag-LRT? Para magkasabay kami?
Na-excite ako na malaman ang araw-araw niyang gagawin, gusto ko na sanang silipin hanggang dulo pero pinigilan ko ang sarili ko para exciting. One per day lang. Bawal akong mag-advance hanggang tuluyan na kaming maging super close. Sandali, creepy na kaya itong ginagawa ko? Wala naman akong gagawing masama, gusto ko lang makasama siya. Kasi baka sakali dahil dito, mapansin na niya ako.
•••••••••••••••••••••••••
ATTENTION: NAWAWALA ANG PLANNER NG NAG-IISANG SI ENZO MIGUEL GUTIERREZ. KUNG SINO MAN ANG KUMUHA NOON, IBALIK NIYO NA OR YOU'RE DEAD.
Isang announcement sa bulletin board na pinagkaguluhan na parang may artista ang bumungad sa akin kinabukasan. Malamang, naghahanap na ang buong school, lalo na ang fans club ni Enzo. I'm dead meat.
"Ibabalik ko na ba? Kapag nakita nilang nasa akin 'yon, magiging living hell ang high school life ko! Pero moment ko na ito, papakawalan ko pa ba? Pero, bakit nga ba 'di ko na lang ipa-photocopy?" bulong ko sa sarili.
Aba, kahit ako medyo nagulat sa sarili ko na may talino pa pala akong mailalabas.
"Baklaaa!"
Naputol ang monologue ko nang tawagin ako ni Miks.
"Bakit tambay ka riyan? Malapit na mag-time," sabi ni Chelsea.
"Wala. Girls... may secret ako," nagdadalawang isip kong kumpisal. "Nasa akin ang planner ni Enzo."
"Anooo?!?!" sabay nilang sigaw.
"Gaga ka! Ibalik mo! Ibalik mo 'yan, mamamatay tayo," mahina ngunit madiing sabi ni Chelsea.
"Ibabalik ko naman talaga 'to..."
"Mabuti naman..."
"Pero ipapa-photocopy ko muna. Guys! Opportunity na ito! Nandito ang lahat ng mga bagay na gagawin ni Enzo sa listahan ni Miss Bisbal! Susundin niya ito. Malalaman ko kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya. Malay mo-"
"Ma-develop? Hope naman. Isa pa, hindi ba ang creepy ng ginagawa mo? Susundan mo si Enzo? At para saan?" sabi ni Chelsea.
"Kaya nga siguro Hope ang pangalan ko. Patuloy akong umaasa. Wala rin naman akong gagawing masama. Gusto ko lang talagang mapalapit sa kanya," sagot ko.
"Hope, listahan lang 'yan ng mga gagawin niya. Ano namang gagawin mo? Gagawin mo din lahat 'yan? Sa tingin mo, magugustuhan ka niya? Mahirap mag-expect, Hope. Baka ma-disappoint ka," sabi sa akin ni Chelsea na mukhang nag-aalala sa katangahang gagawin ko.
"Alam ko naman 'yon. Pero at least nag-try ako," nag-smile lang ako sa kanila. "At tsaka, guys, malay n'yo ito na ang one hundred steps to his heart."
Binatukan na lang ako ni Miks.
"Kahit jujunga-junga ka, bilib pa rin ako sa fighting spirit mo! Sige na, ba-back up-an kita," tapos lumapit na rin si Chelsea at niyakap ako. Pinilit niya si Miks na maki-hug.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...