CHAPTER 39

34 2 0
                                    

Naglakad kami ni Enzo pabalik sa rooms naming nang magkahawak ang kamay. Nakakita kami ng maraming ilaw na tila lumulutang sa langit.

"Aren't they beautiful?" tanong niya sa akin.

"Ano 'yan? Alam mo kung saan 'yan galing?"

"They're flying lanterns, my love."

"Hoy!"

Biglang sumulpot ang buong barkada.

"We were looking for you, guys! Nauna na kami magpalipad ng flying lanterns. We were supposed to do this together," sabi ni Venice.

Tapos lumapit siya at inabutan kami ng tig-isang flying lantern. Lahat kami ay meron.

"Now let's say a prayer or a wish bago natin paliparin."

Lahat kami napapikit na lang ng mga mata.

"I just want to say that... congratulations! We made it. Pagbalik natin sa Manila, graduate na tayo. College na tayo. Iba't ibang buhay na. Siguradong hindi na tayo ganito ka-close kasi mag-iiba-iba na tayo ng course, baka ng school, o kung ano man. Tres Gwapitos, you're the brothers I never had. Hindi ko alam na magiging ganito tayo. Kahit anong mangyari, nandito ako para sa inyo. And Hope, Miks and Chelsea, thank you sa pagsama sa barkada namin. Akala ko dati, sapat na kami lang. Pero noong dumating kayo, nakumpleto lalo. Kung bibigyan ako ng choice, kayo at kayo pa rin ang pipiliin kong mga kaibigan. Kaya congratulations! And good luck sa atin sa college. Hindi na lang Tres Gwapitos' Anniversary ang ise-celebrate natin sa date na 'to. Let's make a name for our group," speech ni Venice. "I like Team AF..."

Napatingin kaming lahat kay Venice.

"Team Always. Forever. AF," bigla niyang sinabi.

Natigilan kami. Heto na naman, hindi namin alam pero kapag ganoong usapan, naluluha kami lahat. Sobrang sensitive ng time, sobrang sakit sa puso.

"Team AF. AF-niversary next year. March 28," sabi ni Bryle.

Lahat kami napatingin sa isa't isa. Sana nga, always. Sana may forever.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon