Taste someone's tear.
Ito ang nakasulat sa planner niya sa araw na 'yon nang tingnan ko. E, nagawa na niya iyon kahapon sa akin kaya pala chineck niya sa planner niya.
Give your lucky charm to someone.
Lucky charm? Hindi kaya iyong si Happy ang lucky charm niya? Ha! Sa akin niya binigay.
Lay on the center of the football field.
Shout your heart out.Pagpasok ko sa school, sinalubong agad ako nina Miks at Chelsea. Naikwento ko na sa kanila ang lahat. Niyakap ako nina Chelsea at Miks, at panay ang paalalang maging realistic pa rin ako bilang magkaiba ang mundo ko sa mundo ng apat na 'yon.
"Today, special ang P.E class natin," announcement ni Ms. Katigbak pagpasok sa classroom namin. "Maglalaban ang Section A at Section F sa football!"
Kinilig ang mga babae at napanganga lang ang mga lalaki.
"Bubunot tayo ng makakasali sa game. So, hindi lahat makakapaglaro. Mix ito: eight boys at three girls."
Nakita ko si Miks na 'di mapakali.
"Drumming ever si hearty! Nervous glands na me! Sana ma-pick akiz para makapananching kay Fafa Mico!" sabi niya.
"Sana 'wag ako, baka magka-black eye ako sa Papa mo!" sabi ko naman.
"Roy. Charles. James. Ivan. Carl. Michael-" tawag sa mga nabunot.
"I'm in! I'm in! This is my day! Pwet ni Papa Mico, here I come!" nagwawalang sigaw ni Miks.
"Jean. Chelsea. Ho... Holly!"
Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos tawagin ang lahat ng nabunot at wala ako.
Pagdating sa field, enjoy lang akong titigan si Enzo. Binati ako ni Venice at nag-good luck sa section namin nang makita niya ako. Habang sinusundan ko siya nang tingin, nakita kong lumapit siya kay Enzo tapos hinawakan niya kamay nito at nag-flying kiss. Hay. Bagay talaga sila.
Sa last 30 minutes ng game, 4-3 ang score. Lamang ang Section A. Si Miks ang star player sa section namin at kung hindi mo siya kilala, magkaka-crush ka sa kanya dahil sobrang gwapo niya sa field habang naglalaro. Pwede nga siyang mai-level sa Tres Gwapitos. Intense ang game hanggang sa na-injure si Chelsea! Sinubukan kong lapitan siya pero agad siyang dinala sa clinic. Pabalik na sana ako sa upuan nang bigla akong hilahin ni Miks papunta sa field.
"Pwesto. Ako bahala dito. Tatakbo ka lang para walang bakante sa team," sabi ni Miks. Teka hindi ako marunong!
Pagpito ng referee, nakitakbo na rin ako. Biglang ipinasa sa akin ang bola at nakita ko si Miks. Nagtatakbo agad ako para ipasa sa kanya iyon pero biglang hinarangan at pinatid ako ni Mico kaya naagaw niya ang bola.
"Hope, are you okay?" tanong ni Miks.
Tumango ako at ipinakitang hindi naman ako masyadong nasaktan.
"Takbo na ulit, girl!" utos niya.
Medyo umiwas na ako sa bola at nakitakbo-takbo na lang pero talagang hinahabol at hinaharangan ako ni Mico. Minsan ay sinisipa pa talaga niya ang bola papunta sa akin. Pakiramdam ko nga, magkakapasa na ako. Medyo masakit pero tiis lang. Minsan, hindi na lang patid, nanandya na siyang manulak kaya ilang beses rin ako bumagsak at nadapa.
Last three minutes na. Tumatakbo lang ako, pero nakita kong papalapit na sa akin ang bola nang mabilis at mukhang malakas ang pagtama niyon! 'Di nagtagal, nagdilim lahat. Pagdilat ko, marami nang nakapalibot sa akin.
"Dude, off na 'yon," boses ni Bryle 'yon.
"Like I care," sabi ni Mico.
"Mico! Why did you do that?" si Venice.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...