CHAPTER 17

46 2 0
                                    

"Ano 'to?" sigaw ko.

"Dress and shoes," sabi ni Mico.

Mga bagong damit at mga bagong sapatos na mukhang mamahalin ang ibinigay ni Mico. Mula restaurant, sinundo ako at nagpunta sa bahay nila Mico. Inabot niya sa akin ang mga damit at sapatos, pagkatapos ay inihatid niya ako sa bahay. Buti nandoon sina Lola at Ate, ipinagpaalam niya na rin ako sa kanila.

Kailangan ko raw na samahan siya sa isang gathering sa bahay nila para ipakilala bilang 'girlfriend' sa parents niya.

Hindi na ako makatanggi o maka-oo. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at parang wala na akong magagawa pa dahil naroon na ang mga damit para sa 'kin.

Panay naman ang kantiyaw ni Ate at Lola habang kumakain kami ng dinner kasama si Mico. Mamamanhikan na raw ba si Mico. Kahit na nastress ako, nakakatuwa kasi halatang magaan ang loob ni Lola at Ate kay Mico.

"’Yong mom ko, hindi tulad ng lola at ate mo," sabi ni Mico noong hinatid ko siya palabas ng bahay. "Kahit simpleng party lang 'yon, my mom doesn't take things lightly. Kaya ikaw, maghanda ka kapag nagpretend ka na girlfriend ko."

Napanganga ako sa sinabi niya. Tumingin siya nang straight sa akin at huminga nang malalim..

"She's an iron lady," sabi ni Mico bago umalis.

•••••••••••••••••••••••••••

The next night, mukhang may malaking piyesta sa bahay nina Mico. Huling punta ko roon ay walang tao, ngunit noong mga oras na 'yon puno ng mga caterer, cook, at todo-design ang buong bahay.

"Hope, here!" sabi sa akin ni Mico habang pinapapunta ako sa kwarto niya.

"Paki-explain nga ang papel ko rito. Una sa lahat, alam mong bobo ako kaya 'wag kang mag-expect sa akin. Pangalawa, hindi ako sosyal. Pangatlo, hindi ako magaling mag-English!" paranoid kong sabi sa kanya.

"Alam ko na lahat ng mga 'yan. Basta maging normal ka lang. Basta lang may maipakilala ako sa Mama ko na babae, okay na 'yon, e," paliwanag ni Mico.

"Teka nga, magkaliwanagan tayo. Ako ba ay magpapanggap na girlfriend mo?" tanong ko.

"Ewan ko. Sasabihin ko hindi pa kita girlfriend, okay? Kapag girlfriend kasi, official, baka lalo kang ma-pressure."

Lalo akong kinabahan sa gagawin namin.

"Hindi ba tinulungan mo si Venice dati na magkunwari? Ngayon, gawin mo naman 'yon para sa akin..." parang nakikiusap na sabi niya.

Mukhang desperado na talaga si Mico kaya naawa naman ako.

"Sige, gagawin ko lahat nang makakaya ko. Basta 'wag mo akong sisisihin, ha!"

"Excuse me, Sir Mico," tawag ng babae sa labas. "Ready na po ba si Miss Hope?"

"Yes! She's ready!"

Hinawakan niya ang kamay ko at itinaboy ako sa labas. May kinuha si Mico na makeup artist at stylist para ayusan ako. Pagkatapos nang matagal-tagal na magic tricks, pati ako nagulat sa naging resulta.

"Wow, Miss Hope!" gulat ding sabi ng stylist ko.

Biglang pumasok si Mico para i-check sana ako. Napatingin ako kay Mico na sobrang gwapo. Napatitig din siya sa akin sa salamin. Hindi ko na napansin pero namula na pala ang mukha ko, bumilis na ang tibok ng puso ko at napatulala na lang ako sa lalaking iyon.

"You guys are too cute. Why are you staring at each other like that?" putol ng makeup artist sa titigan namin.

"You look beautiful," halos pabulong na sabi ni Mico.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon