CHAPTER 31

40 1 0
                                    

"Why are you late?! The ball starts at 9:00 PM! 10:00 PM na, for crying out loud! Sana sinundo na lang kita sa bahay mo!" sigaw ni Mico sa kabilang linya.

"E, kung 'wag na kaya akong pumunta?!" sigaw ko pabalik.

"Kidding! I was just kidding. Go ahead, take your time, babe."

Nagulat ako. May pa-babe na siya. Mula noong bumalik siya at nag-I love you sa akin, sobrang sweet, at walang preno na si Mico. Oo, nag-I love you siya sa akin nang mag-date kami sa Baywalk.

"Sige na. Aalis na ako rito sa bahay. See you."

"Love you," sabi niya. Ito na naman siya sa I love you niya! Simula nang sinabi niya 'yon, hindi na siya tumigil.

Noong papasok na ako sa may gym, nakasalubong ko si Enzo.

"You look so pretty. Extra pretty today. Let's go inside?" tapos in-offer niya sa akin ang kamay niya. Pumasok kami at napansin kong nakatingin ang lahat.

Napatingin ako sa bandang kanan at nakita ko si Mico na lumalakad papalapit sa amin. Natigilan kami. Noong makarating siya sa unahan namin ang sama ng tingin niya kay Enzo at sa akin.

"Seriously, Gutierrez. Back off," sigaw ni Mico.

Napatingin ang lahat at tumigil ang music. Bigla akong hinila ni Mico at dinala ako sa likod ng gym.

"Galit ka ba?" tanong ko kasi walang nagsasalita.

"Gal-what?! You're asking me if  I am mad?! No, I am not! I am not mad! Seriously, no!" sigaw niya.

Pero bakit parang galit naman siya?

"Bakit kasama mo maglakad si Enzo papasok? Hindi ba ako ang date mo? Bakit kayo magkasama?"

"Kumalma ka lang. Late ako, at nakasalubong ko lang siya sa labas kaya sabay kaming pumasok. Kasalanan ba naming tumigil at nagtinginan ang lahat?"

"Paano namang hindi sila hindi titingin? Nakita mo na ba ang sarili mo? Ang ganda-ganda mo," sinabi niya 'yon nang nakatitig lang sa mata ko pero parang nalulungkot.

"Bakit ba malungkot ka?" tanong ko.

"Masaya ka ba? Masaya ka ba noong pumasok kayo nang sabay? Na siya ang kasama mo at hindi ako?" sinabi ni Mico.

"Oo. Pero may kulang. Ikaw. Hindi dapat siya ang kasama ko. Dapat ikaw kasi ikaw ang partner ko. Hihiwalay na sana nga ako kay Enzo, kaso bigla ka namang nag-eskandalo. Tapos nagalit ka sa akin tapos ito ngayon." sabi ko. Pagtingin ko sa kanya, namumula siya.

"I'm a varsity athlete. Sanay ako sa physical exercise, but I've never... ever, felt my heart beat this fast before."

This time ako naman ang namula.

"Grabe ka talaga, Miss Yazon. Kailan mo ba ako sasagutin para maging Mrs. Loyola ka na? Aminin mo na, in love ka rin sa akin. Natatakot ka lang. Natatakot ka lang masaktan ulit."

Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kung totoo man 'yon, 'wag kang matakot. 'Yan ang pinakahuling gagawin ko sa mundong ito. Ang saktan ka."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Uulitin natin ang entrance mo. This time, totoo na. This time, tayo naman."

Pagpasok, katabi ko sina Chelsea, Miks, at Mico, at nagkwentuhan lang kami buong gabi. Masaya rin sina Bryle at Venice.

Enzo approached us nang magsimula ang slow songs. Masama ang tingin ni Mico sa kanya. Nag-request naman si Enzo at nakiusap na isang kanta lang. Pumayag naman si Mico at nagsayaw na kami.

Tahimik lang kami noong una at pinakiramdaman ng aming mga kamay ang kilos ng bawat isa.

"Hope, I want to tell you something," sabi ni Enzo. "I... I actually want to tell you everything. I want yo tell you everything that I'm feeling right now, about you, about us. But I can't. I want you back, but everything's just so complicated, and I don't know what to do. But I really, really want you back. I miss you. I miss you every day. I miss you when you're here, and I miss you when you're not. I hurt when I see you, and I hurt when I don't. I'm a fucking jerk for letting you go, but I'm a bigger jerk if I don't. Hope... I... I want you back. But I can't because you're with Mico, and you're happy. And I should be happy, but I can't because I still miss you and-"

"Tama na," pigil ko sa kanya. Pagod na pagod na ako sa napakaraming paliwanag niya. "Sumayaw na lang tayo, Enzo."

Nang makabwelo ulit, may kinuha siya sa bulsa ng suit niya. Sulat.

"This is... Well... This was Eula's letter for you. I don't really know what's inside. It might make or break everything, but that was her wish... For me to give it to you. I'm not forcing you to read it kasi takot din ako sa kung anong sinabi niya sa sulat. But whatever's inside that letter, I just want you to know that I really lo-"

"Hey can I get her back?" biglang may humawak sa bewang ko at inikot ako papunta sa kanya. Si Mico. "One song, bro. You asked for one song."

Iba ang tingin ni Mico, parang galit. Si Enzo naman, parang wala nang magawa kasi patapos na ang kanta. Kaya naman umalis na siya, at naiwan kami ni Mico.

Dinala ako ni Mico sa isang sulok ng gym. Pagkatapos, naramdaman kong bigla naman akong niyakap ni Mico.

"Hope... I don't know what Enzo said. Hindi ko alam kung binabawi ka niya, kung nag-sorry siya sa'yo or kung gusto ka niyang bumalik. Pero please... akin ka na lang. Ako na lang. Ako na lang ang piliin mo, Hope. Kasi gustong-gusto talaga kita. Hindi ko yata kakayanin kapag siya ang pinili mo. Hindi ko yata kakayaning makita kayong magkasama. Kahit hindi siya. Kahit ibang lalaki. Ganoon kita kagusto, Hope. Siguro naman alam mo na. Let me be your guy, Hope. Choose me. Please."

Natigilan ako sa sinabi ni Mico. Sino nga ba ang pipiliin ko? Talaga bang may pipiliin ako?

Medyo napagod na ako at nainitan sa loob ng gym kaya nagpaalam ako sa iba para magpahangin. Dumiretso ako papunta sa Centennial Tree. Naisip kong ang dami talagang nangyayari. Ibang-iba mula noong magsimula ang school year.

Pagdating ko sa puno, hindi ko napansing nandoon din pala si Enzo. Nagulat pa kami nang makita ang isa't isa. Umupo ako sa tabi niya pero hindi kami nagsalita. Hinayaan lang namin ang ingay mula sa gym na labanan ang katahimikan ng buong football field. Hindi na naman napansin gaano kami katagal na nasa field. Maya-maya, bigla na lang dumating si Mico na galit na galit. Hinila niya bigla ang braso ni Enzo.

"Saan mo siya dadalhin? Mico, bitawan mo nga si Enzo, sumosobra ka na!" sabi ko.

"Hope, sumosobra ako? Oo! Sumosobra na talaga ako! Sumosobra na ako sa pagmamahal sa'yo dahil nagpapakatanga na ako! Hindi ako ganito! Sumosobra na talaga ako kasi kahit wala lang ako sa buhay mo, pinipilit ko pa ring mahalin mo ako! Oo, sumosobra na talaga ako kasi kahit ang sakit na makita kayo dalawang magkasama, okay lang basta masaya ka. Pero oo nga, sumosobra na nga ako. Kaya mag-uusap kaming dalawa, kasi sobra na, Hope.."

Humarap siya kay Enzo. "Mag-usap tayo. Kasi kung mahal mo pa siya... kung mahal mo pa si Hope..."

"I... I still love Hope," sagot ni Enzo.

Natigilan kaming lahat.

"Anong bang problema mo, Gutierrez? Talaga bang hindi ka na makuntento? Ikaw ang nanloko kay Hope at ikaw din ang tumapos ng lahat. You let her go! Tapos ngayon sasabihin mo mahal mo pa rin siya? Gago ka ba? Mahal ko si Hope! Hindi pa ba klaro 'yon? Tigilan mo na siya!"

"I can't, Loyola." he said.

Biglang nagwala si Mico. Hindi niya sinaktan si Enzo pero pinagsusuntok niya ang puno sa paligid at pinagsisipa ang lahat nang makita. Tapos hinila niya si Enzo papunta sa isang bakanteng classroom na malayo sa lahat ng mga nasa ball. Naiwan lang ako doon na hindi alam ang gagawin kaya humingi ako ng tulong kina Venice. Umalis naman sila, pero hindi na ako sumunod kasi baka mas lalong gumulo ang sitwasyon. Sobrang overwhelmed na rin ako sa mga nangyayari sa gabing 'yon.

Kung ano man ang mangyari, sana... sana maging ayos lang lahat.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon