CHAPTER 4

77 3 0
                                    

Omygosh! Ano bang sinabi ko?

Lumapit sa akin si Enzo, sabay kurot ng pisngi ko. Tapos nag-smile at umalis na.

Para akong nanaginip. Napaupo na lang ako dahil sa gulat at kilig.

"Hope, nandiyan ka pala!" tawag sa akin ni Venice.

Medyo tulala pa ako hanggang sa ihatid niya ako sa bahay pauwi. Pagdating sa bahay chineck ko ulit ang planner ni Enzo. Inisip ko kung paano niya gagawin ang lahat ng nakasulat doon dahil napakarami! Prinoblema ko rin kung kakayanin ko bang gawin din lahat ng iyon. Ganoon ba talaga ang mga 'secret task' ng guidance counselor? At para saan?

The next morning sa school, gulat na gulat ako nang lapitan kami ni Mico. Kahit si Miks, 'di napigilang mapanganga.

"Pinapatawag ka ni Venice. Sabay ka raw sa amin kumain," malamig nitong utos.

Umiwas siya ng tingin. Halatang ayaw niya sa idea. Kaso si Venice ang princess ng Tres Gwapitos.

Bigla akong hinila ni Miks sa isang gilid, "Bakit ka makikipag-lunch kay Papa Mico? Isama mo ako!" sabay puppy eyes.

"Oo na!" Lumapit ako kay Mico. Mukhang iritang-irita na siya.

"Ano? Sasama ka ba o hindi?" sigaw ni Mico.

"Oo na. Pero..."

"May favor ka pa? Kung hindi ka lang-"

"Sorry na. Pwede bang isama natin si Miks?"

"Whatever! Lets go. I'm hungry," bulyaw niya.

Sumunod kami sa kanya habang pinagtitinginan kami ng lahat. Gulat siguro na kasama kami ni Mico.

"Mico! Here!" tawag ni Venice. Pagkakita niya sa akin, kumaway siya na parang tuwang-tuwang makita ako.

Inilibre ako ni Venice ng lunch. Turo lang siya nang turo at kuha nang kuha. Napakarami niyang kinuha!

"Hala! Magkano 'to lahat?"

"Don't mind it! Ako na ang bahala riyan! I'm the one who invited you for lunch so it's my treat," sabi ni Venice.

"Kakahiya naman."

"No. You're my friend now. So, it's okay!"

Kumuha siya ng salad. Napatanong tuloy ako kung vegetarian ba siya. Sabi naman ni Venice, para kay Enzo raw iyon. Pero napansin kong hindi naman niya binilhan ng pagkain sina Mico at Bryle.

"Miks. Share na lang tayo," sabi ko pagbalik sa table.

"Kahit 'wag na. Kay Mico pa lang busog na ako!" maarteng sagot niya.

Gusto ko sanang i-offer kay Enzo ang spaghetti ko pero nang iaabot ko na, nakita kong inuubos na ni Miks. Busog pala, ha? Hinampas-hampas ko siya at napatigil lang ako dahil nakatingin sa akin ang apat.

"You're so funny, Hope. I really like you," natatawang sabi ni Venice.

"Ven, I got my planner back," biglang singit ni Enzo.

"Oh, really? Sino nagbigay?"

"Lost and Found," sagot ni Enzo.

Maya-maya nilalagyan na ni Enzo ng gulay ang plato ni Venice. Parang nakaramdam ako ng selos.

"Hey, stupid. Bakit paiyak ka na?" biglang singit ni Mico.

"Hindi kaya. Sinisipon lang ako" dahilan ko naman kay Mico.

"And so?" sagot niya sa akin.

"Ano 'yon?" biglang singit ni Enzo dahil akala niya ay tinatawag ang pangalan niya. Katunog kasi.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon