"Will you go with me to Cebu?"
Ginulat ako ni Enzo isang umaga nang puntahan niya ako sa bahay at imbitahin sa Cebu.
Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang big revelation. Dumating ang parents ni Enzo. Medyo naka-recover na ang lakas niya at nakabalik na kaming lahat sa school. Nakakailang pero casual naman ang turingan namin nina Mico at Enzo.
"Cebu ka riyan, may pasok tayo," sagot ko naman.
"Naayos ko na ang schedule natin. Okay na."
Noong mapansin kong seryoso siya, nag-panic ako.
"Ha? Anong gagawin natin sa Cebu? Kailan tayo pupunta? Ga-graduate na tayo!" sunod-sunod kong tanong.
"Now, go downstairs. Your bags are packed, we're ready to go."
Nilakihan ko lang siya ng mga mata. Pagbaba ko, may mga maleta nga sa baba. Nang tingnan ko sina Lola at Ate, parang alam na nila at kasabwat sila sa biglaang lakad na 'yon.
Company plane nina Enzo ang ginamit namin. Lahat ng doctors and nurses ni Enzo ay kasama rin para ma-check up siya everytime. Inayos na rin ni Venice ang itinerary at accommodation namin dahil business nila ang travel and tours.
Habang nasa airplane, nag-confess si Enzo na nagseselos siya kay Mico.
"Kasi parang you can tell him everything. I know that you're super comfortable with him. Medyo naiinggit lang ako. Pakiramdam ko kasi, mas kilala ka niya, mas kaya mong mag-share sa kanya, at parang everytime you're with me naiilang ka pa rin. I don't know what to feel. Parang nahihiya ka pa sa akin, and I don't want that," sabi ni Enzo. "I want to really get to know you. That's why I invited you to Cebu. I want to be alone with you. I want to know everything about you. I want everything to be about us. I want to love you more and never stop. I want to be fair with my heart. All my life, my heart has been suffering. So I want my heart to enjoy, I want my heart to feel so much love... and I can only do that with you. I want to love you with everything that I've got, Hope. I know I'm not perfect, but I will be perfect for you."
VIP Treatment ang peg namin kasi manager pa ang naghahatid sa amin sa hotel room namin. Isang malaking room na parang pampamilya ang reserved sa amin. I had to share room with him na okay lang naman kasi ayoko nang maging choosy pa. Sobra-sobra ang pagkain, parang bibitayin na ako kinabukasan.
Kumain lang kami at nagkwentuhan buong gabi sa kwarto. Tungkol sa hindi pagkain ni Enzo ng carrots, tungkol sa totoong feelings niya kay Eula, tungkol sa pagka-crush ko sa kanya simula pa noong first year, at sa pagkahilig ko sa marshmallow. Puro kwentuhan at asaran ang nangyari buong gabi.
Maya-maya pa, kumatok ang nurse ni Enzo. Biglang napuno ng takot ang mukha niya.
"Hope. Get out."
Hindi ko maintindihan.
"Just get out. Please."
Biglang pumasok ang ibang nurse niya. Nakita ko ang dala nila sa tray. Iba't ibang gamot, may bulak, may malaking alcohol, may iba't ibang gamit at syringes.
"Enzo-"
"Get out!" sigaw niya.
Nagulat ako kaya bigla akong napalabas ng kwarto. Paglabas ko, biglang nagsara ang pintuan ng kwarto. Napasandal na lang ako sa may pinto habang hawak ko ang puso ko. Parang ibang Enzo ang nakita ko. Kanina lang sinasabi niyang mahal niya ako tapos biglang sinigawan ako.
Hanggang sa may humawak ng balikat ko. Pagtingin ko si Miss Bisbal.
"Hi, Hope. You might be wondering why I'm here. I'm Enzo's doctor," sabi niya.
Unti-unting nabuo sa isip ko kung bakit palaging magkausap si Miss Bisbal at Enzo. It all made sense. Hindi pala dahil sa 'task', pero dahil doctor siya ni Enzo.
"I saw you crying. I also heard Enzo shout at you. Siguro ayaw niyang makita mo ang process."
"Process? Ano pong process?"
"I mean, ang everyday na ginagawa sa kanya. Enzo has to take a lot of medicines, and every day, may injection siya para sa sakit niya. Kailangang mapabagal namin ang pagbuo ng fats sa puso niya para hindi 'to magfail, and we've been doing that since bata pa si Enzo. Pero siyempre, as he gets older, mas dumadami ang medication kasi mas lumalala din ang ARVD niya."
"Bakit ayaw niyang makita ko?"
Nginitian niya ako, pero ngiting parang nagsasabi na 'wag kong balewalain ang mga iyon.
"Well, hindi nga ang pag-inom ng gamit or injection... it's the effect. Usually, after turukan si Enzo, sumasakit ang buong katawan niya. It's the effect of the medicine. Minsan, sumisigaw siya, nagwawala kapag hindi na niya kaya ang sakit. Minsan naman, baliktad- halos hindi namin siya makausap; minsan, nakatulala lang. Tapos sasakit na ang ulo niya tapos magsusuka na siya. O minsan, magwawala kasi sobrang sakit ng buong katawan niya pero biglang manghihina kasi mahihirapan ang puso niya."
Napatakip na lang ako ng bibig.
"This is a side of Enzo na kami lang ang nakakaalam. Even his friends, hindi alam 'to kaya I understand him."
"Pero gusto ko pong nandoon ako para sa kanya."
Tinitigan lang niya ako.
"Kaya mo ba?"
Napahinga naman ako ng malalim. Napaisip. Tao lang ako. Bata pa. Alam kong matatakot ako.
"Opo, kakayanin ko po. Sasamahan ko po si Enzo."
Ngumiti siya sa akin at binuksan ang pinto.
"What are you- ugh- doing here? I told you to- ouch- get out," mahinang sinabi ni Enzo.
Nilabanan ko naman ang luha ko. Kailangan kong maging matatag para kay Enzo.
"Enzo, just please finish the session," sinabi ni Miss Bisbal.
Nakita kong tinurukan siya sa iba't ibang parte ng katawan niya. Tahimik lang kaming lahat. Maririnig ko na lang na umaaray at sumisigaw paminsan-minsan si Enzo.
Nang matapos ang session, naiwan akong nakatitig sa likod ni Enzo. Si Enzo naman nakahiga, nakaharap doon sa may salamin at hindi gumagalaw. Alam kong galit siya sa akin. Naglakad ako at umupo sa kama ko. May space sa pagitan ng kama ko at kama niya, nahihiwalay ng table na may lamp. Nakatitig lang ako sa likod niya. Hindi ko na namamalayan, umiiyak na pala ako.
"I know this is gonna happen. Sorry. You should've have seen that. Sorry, Hope."
Tumayo si Enzo, sabay niyakap ako. Mahinang yakap. "Sinasabi ko na nga bang matatakot ka, lalo na kapag nakita mo. Now I'm scared, too."
Napatitig si Enzo sa akin. Kita sa mata niya ang takot. "Are you gonna leave me now?" Nanginginig ang boses at kamay niya. "Hope, I'm going to die."
Parehas kaming umiiyak. Ramdam ko ang takot ni Enzo na parang gumagapang papunta rin sa akin. Ipinatong ko ang daliri ko sa labi niya. Kahit na sobrang nangangatal pa rin ako, sinubukan kong igalaw ang kamay ko para pigilan pa siya sa pagsasalita niya.
"Hindi kita iiwang mag-isa." 'Yon lang ang nagawa kong sabihin.
Bigla akong niyakap ni Enzo.
"Promise?" Inilabas niya ang pinky finger niya kaya natawa tuloy ako.
"Seryoso ka ba riyan?" sabi ko.
Bigla naman siyang nag-pout kaya napalunok ako.
"Promise," sabi ko sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...