CHAPTER 22

46 2 0
                                    

"Luneta Park?!"

Nagulat ako nang sabihin ni Enzo kung saan kami pupunta. Naka-makeup pa ako, na pinagawa ko pa kay Ate, tapos naka-shorts lang siya at red na polo shirt.

"Never pa ako nakapunta there," sagot ni Enzo. "Loser right?"

"Hindi din. Hindi ka bagay doon! Pang-sosyal ka, e," sabi ko.

Nalungkot bigla ang mukha ni Enzo. "I'm not that special, Hope."

Hindi ko na lang pinansin ang drama ni Enzo at dumiretso na kami papunta sa Manila Zoo. Medyo weird pero masaya kami na nagkulitan ni Enzo. Bumili siya ng tinapay at ipinakain sa mga hayop sa zoo. Muntik na akong himatayin sa kanya dahil bawal 'yon. Wala akong ginawa kundi tingnan kung may mga bantay bang makakahuli sa amin. Matapos doon, dumeretso na kami sa Luneta Park.

"What's your favorite number?" Enzo asked.

"Twenty-two," sabi ko naman.

Bigla siyang lumapit sa tabi ng fence na nababalot ng mga bulaklak at bigla niyang pinagpipitas ang 'yon.

Ito na naman kami! Hindi ko mapigilang mainis at matakot dahil baka may makahuli sa amin. Hanggang maya-maya, may pumipito na sa aming guard.

Inabot ko sa kanya ang kamay ko at hinila siya. Binilisan naming maglakad at noong medyo makalayo na, tumakbo na kami.

"’W-Wag mo na ngang gawin 'yon. Kakapagod! Ano bang iniisip mo?!" pagalit kong sambit kay Enzo.

"Here, for you. This is our date right?" sabi ni Enzo sabay abot ng mga bulaklak na iligal niyang pinitas.

"Thank you, Enzo. Ang saya naman nito," sabay ngiti sa kanya. Parang nawala tuloy ang galit ko.

"I like holding your hands," sabi ni Enzo bigla habang nakatingin sa kamay niya. "Matagal ko na 'tong gustong gawin. To just sit and hang out sa park bench with my girl..."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko pero hinayaan ko na lang na kiligin ako. My girl daw. His girl. His.

Nagpaikut-ikot pa kami at kumain. Napatingin ako sa orasan ko. Halos 7:00 PM na pala. Naglakad na kami ni Enzo palabas at halos nakalimutan kong galit ako sa kanya nang napag-trip-an niyang pag-awayin at paghiwalayin ang couple na nadaanan namin kanina. Nagpanggap ba naman siyang third party ng babae! Nainis talaga ako at hindi ko siya masyadong kinausap.

"I don't want to ruin my memory of Luneta na nag-away tayo," sabi bigla ni Enzo.

Napatingin ako sa kanya, kinuha niya ang kamay ko at hinila ako.

"I'm sorry kanina, Hope. I know what I did was wrong. I'm so sorry."

Napatingin ako sa kanya. Mukha namang sincere.

"’Wag mo nang uulitin 'yon, please. Nakita mo ba kung paano umiyak 'yong babae? Paano kung ikaw ang nasa posisyon niya? Isipin mo. Paano kung girlfriend mo 'yon tapos may biglang isang lalaki walang magawa at naisipang paghiwalayin kayo? Anong mararamdaman mo?"

"I won't believe the guy. If my girl says "No, I don't know him," then I'll believe her."

"Grabe ka namang magtrust."

"Life is too short to doubt everything you love. There will come a time that you'll really get hurt, but who the hell doesn't experience pain? That's an inevitable part of life. So why doubt everything just to avoid the pain? I succumb to pain if it means that I'll have to trust the girl I love."

Niyakap niya ako pagkatapos.

"You give me hope, Hope," bigla na lang niya sinabi. "If I could only keep you for a long time, Hope Yazon."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, at kung bakit niya sinabi 'yon pero... Napakalungkot ng yakap niya.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon