02

115 6 5
                                    

WARNING: This chapter contains strong languages, violence, harassment and rape. Read at your own risk!!!

Tuwing sasapit ang gabi, hindi ako makatulog nang maayos. Natatakot ako na baka sa himbing ng tulog ko, may biglang pumasok at gawaan na naman ako ng kung ano.

“Ma, tatlong araw lang naman ’yon. Pumayag ka na kasi!” si Carlida.

Hinahanda ko na ang pagkain namin ngayon. Walang pasok si Carlida. Nagpapaalam siya sa Mama niya tungkol sa fieldtrip nila. Tatlong araw iyon at may teacher naman daw na kasama. Maayos naman daw ang tutulugan nila ro’n.

“Sasama ako. May bayad ba kapag sumama ako?” tanong ni Tita kay Carlida.

“Meron, Ma. Pwede ka namang sumama para makampante ka,” maarteng sabi naman ni Carlida.

Natapos na akong mag-asikaso ng pagkain namin. Tahimik akong kumain habang ang mag-ina ay nag-uusap tungkol sa fieldtrip.

“Letter, tatlong araw kaming wala rito. Huwag mong hayaang marumi ang buong bahay. Ang Tito Carlo mo ay huwag mong kalimutan na lutuan ng ulam, pagod iyon sa trabaho,” bilin ni Tita sa akin.

Dumating ang araw ng pag-alis nila. Sobra sobra ang tahip ng dibdib ko. Kami lang ni Tito ang maiiwan dito. Hindi ko alam kung paano ako iiwas. Kapag umaga ay wala naman na siya dahil maaga siyang namamasada. Uuwi siya kapag tanghali para kumain, magkukulong na lang siguro ako sa kwarto ko kapag nandito siya.

“May mga karne sa ref. Ikaw na ang bahalang magluto ng kung anong gusto ng Tito Carlo mo. Linisin mo ang buong bahay, Letter.”

Tumango ako sa bilin ni Tita. Ihahatid ko sila sa labasan. Ako ang nagbitbit ng bag nila. Tinatanong pa siya ng mga kapitbahay namin kung saan ito pupunta.

“Sasama sa fieldtrip!” sagot naman niya.

Mabilis ang tibok ng puso ko pagkabalik ko sa bahay. Wala pa si Tito, namamasada pa siya. Binilisan ko na lang ang paglilinis sa buong bahay. Sarado ang grocery ni Tita. Hindi niya kayang ipagkatiwala sa akin iyon kapag wala siya. Hindi ko naman sila nanakawan, hindi ako pinalaking gano’n ng magulang ko.

Alas onse pa lang ay nakapagluto na ako ng pagkain para kay Tito. Naligo na ako pagkatapos at nagkulong na sa kwarto. Ni-lock ko ng maayos ang pinto ng kwarto ko sa takot na baka pasukin ako ni Tito rito.

“Letter? Nandiyan ka ba sa loob?” sigaw ni Tito.

Halos isang oras ang nakalipas, ngayon lang siya umuwi. Wala na siyang kailangan pa sa akin, nakahanda na ang pagkain niya sa kusina. Sarado naman ang grocery kaya wala akong ibang gagawin.

“Lumabas ka nga r’yan, Letter!” muling sigaw niya.

Hindi ako nagpatinag. Nanatili ako sa kwarto ko hanggang hapon. Lumabas lang ako para magluto ng dinner. Wala pa si Tito nang lumabas ako kaya para akong nakahinga nang maluwag.

“Mabuti naman at lumabas ka na,” sambit niya.

Kapapasok niya lang, may bimpo sa kaniyang batok. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa takot. Nagpunta ako sa kusina dahil hindi pa ako tapos magluto.

“Anong ulam?” tanong niya.

Kumukuha siya ng tubig sa ref, base sa narinig kong pagbukas niya nito. Hindi ko siya mabalingan, pero alerto ako sa kung ano mang gawin niya. Hawak ko ng mahigpit ang sandok namin, pwede ko itong ihampas sa kaniya kung may gawin man siya.

“Porkchop,” sagot ko.

Naramdaman ko siya sa bandang likuran ko. Bahagya akong lumayo. Nang maramdaman ko ang hawak niya sa likurang bahagi ng katawan ko, agad ko na siyang hinampas ng sandok. Bumakas ang galit sa kaniya dahil sa ginawa ko.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon