Aubrey is now awake. It’s been a month. Inabot ng isang buwan na wala siyang malay. Noong mga linggo na nakalipas, mas lalo lang akong nag-aalala kahit na sinabi ng doctor na posibleng tumagal pa na walang malay si Aubrey dahil sa natamo nitong sugat sa ulo. Inoperahan siya dahil sa namuong dugo sa ulo niya.
Hindi namin siya pi-n-ressure na sabihin lahat ng nangyari sa kaniya. Nagstay pa siya sa ospital ng mahigit isang linggo para ma-monitor ang kalagayan niya. And when the doctor said that Aubrey can go home, sa apartment na siya dinala para mas maalagaan ko siya.
“Still don’t have any news about the guy?” Alpha asked me.
Umiling lang ako bilang sagot. Hindi tumigil sila Seven sa paghahanap sa totoong gumawa nito kay Aubrey. Balita rin namin ay nag-ibang bansa na iyon, pero hindi pa rin kami titigil. Kailangan niyang managot.
“Patulong naman, Alpha. Pakuha nung pitcher, sa kwarto na kami kakain ni Aubrey,” sabi ko.
Bitbit ko ang tray na may pagkain namin ni Aubrey. Wala si Seven ngayon, nasa office niya. Si Frim naman ay may ibang pinagkaka-abalahan daw. Kami ni Alpha
ang bantay ni Aubrey ngayon.She’s fine. Pero hindi nagsasalita. Minsan ay umuungol dahil sa panaginip niya. Kaya madalas alerto rin ako kapag gano’n siya. Sinisiguro kong maayos ang lagay niya palagi. Mahirap pero kinakaya naman. Dinala ko na rin siya kay Dra. Garcia para mapatingnan. Twice a week kaming nagpupunta ro’n.
Aubrey is strong woman. Inabot ng tatlong buwan ang session niya kay Dra. Garcia. After that, nakitaan naman namin ng improvements. Ipinagpatuloy pa rin namin hanggang sa tuluyan na siyang gumaling.
“Just three days, Letter. We need to unwind you know.”
Kanina pa ako pinipilit ni Aubrey sa vacation na gusto niya. Simula nang gumaling siya, sinulit talaga namin ang mga araw. Palagi kaming lumalabas at kung saan saan kami nagpupunta.
Nanalo kami sa contest noon. Kahit daw hindi ko natapos, nasarapan naman sila sa luto ko. Second place is enough. Pero sa mga susunod daw ay mas gagalingan pa para makuha ang first place. Dumating sila rito ilang buwan na ang nakalipas. Minsan nagkikita kami nila Kristy. Pero may mga trabaho na rin kasi kami kaya madalang na lumabas at magbonding.
“Aby, we have work. You know I can’t just take a leave now.”
I’m a Chef now. Sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho, doon ay naging ganap na chef na ako. Dream achieved.
“Just three days. Sige na, pagbigyan mo na ako,” parang batang sabi niya pa.
Ano naman kayang naisipan nito at gustong magbakasyon? Wala namang kahit anong okasyon ngayong linggo.
“I’ll try. Pero hindi pa ako sigurado kung makakasama ba ako diyan. ’Yung magkapatid ba sasama?” tanong ko.
Tumabi siya sa akin sa kama ko. Yumakap at tumango bilang sagot sa tanong ko.
“Kakausapin ko ang boss mo. Ipagpapaalam kita,” aniya.
Buong linggo naging abala ako sa restaurant. May mga events pang ginanap kaya mas lalong naging busy. Mabuti na lang at hindi ako nag-iisa, may mga nakakatulong naman ako kahit papaano.
“Letter, you can take leave if you want. Wala namang event this week,” ani boss.
“Okay lang po ba?” paniniguro ko.
Tumango naman ang boss ko sa akin. Pinagpaalam na kaya ako ni Aubrey? Susubok pa lang dapat akong magsabi ngayon pero inunahan na ako ni boss sa dapat ay sasabihin ko.
“Oo naman. You deserve a rest, Letter. Sobrang dalang mo ring magtake ng leave. At isa pa, maraming pwedeng magluto, kaya ayos lang kung magpapahinga ka kahit isa o dalawang araw,” aniya pa.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...