Nang makita ako ng guard nila Aubrey, agad niyang tinawagan si Aubrey para ipaalam na nandito ako. Hinang-hina ako. Magang-maga na rin ang mata ko dahil kanina pa ako umiiyak buong biyahe.
“Letter? Oh My God! What happened to you?” tarantang tanong ni Aubrey nang salubungin niya ako.
Agad akong yumakap sa kaniya at muling umiyak. Napahagulgol ako at nanghihina. Kung hindi niya ako hawak, baka bumagsak na ako sa kalsada ngayon.
“Pumasok muna tayo sa loob,” aniya.
Nakaalalay siya sa akin. Sinubukan akong hawakan ng guard pero agad kong inilayo ang sarili ko. Sa takot na baka saktan din niya ako tulad ng ginawa ng walang hiyang tiyuhin ko.
Pagkapasok sa loob ay agad inutos ni Aubtey na bigyan ako ng tubig. Pinaupo niya ako sa sofa at tinabihan niya ako. Niyakap niya rin ako.
“Calm down... Breathe...” she slowly said.
Nang dumating ang katulong nila na may dalang tubig, agad kong ininom iyon. Buong biyahe rin kasing walang tubig o kain man lang. Puro lang ako iyak. Mabuti na lang pala at hindi ako nahimatay kanina.
“Tell me what happened,” she said again.
Kaming dalawa na lang ang nandito sa sala. I breathe in and out. I need to calm myself down. But how? I am going to tell to Aubrey what happened to me.
“I... I was raped,” I said while my voice is shaking.
Tears fell down on my cheeks. Hindi ko talaga kayang hindi umiyak at manginig kapag naaalala ko ang nangyari.
“You what?!” she shouted.
She hold my hands to stop it from shaking.
“He raped me. Tapos...tapos sinabuyan niya ako...ng asido...” hirap na hirap kong banggit.
Marahan kong hinawi ang damit na suot ko para ipakita sa kaniya ang gawing dibdib ko. Umawang ang bibig niya. Anger is evident in her eyes while looking at my chest.
“What the fuck, Letter? Ipakulong natin ang rapist na ’yon. Hindi ako papayag na hindi siya makukulong!” galit na galit niyang sabi.
I remain silent. I am trying to calm myself. Kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak, baka kung mapa’no na ako.
“Let’s go to the hospital first. Kailangang mapatingnan ang sugat mo,” galit niya pa ring sabi.
Tumayo na siya at inalalayan ako. Tinawag niya ang driver nila at sinabi na pupunta kaming ospital. Wala akong imik. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang mangyari. Kahit nang nasa ospital na ay wala pa rin akong imik.
“Namamaga na ito. Kailan ba ito nangyari? Hindi agad naagapan base sa itsura ng sugat,” sabi ng doctor.
“Kahapon po,” mahinang sagot ko.
Hindi ko na dinugtungan kung bakit nagkaroon ako ng gano’ng sugat. Hindi ko na rin naisip na gamutin iyon dahil sa nangyari.
“Doc, anong dapat gawin para gumaling agad ’yan?” tanong ni Aubrey.
Tulala lang ako sa kawalan. Naririnig ko lang sila pero hindi ako nakikisali sa usapan. Sumagi na naman sa isip ko ang dahilan kung bakit nagkaganito ako. Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa akin.
“Always wash it using water. Water lang palagi, then use cotton clothes para punasan ito. Don’t put bandage, kasi mas lalong hindi makakasingaw ang sugat,” paliwanag ng doctor.
“Mas okay siguro, doc, kung sando na lang muna siya habang hindi pa magaling ang sugat niya?” si Aubrey.
“Yes. Mas mabilis gagaling kapag mahahanginan ito, mas makakahinga ang sugat at mabilis na maghihilom.”
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romansa©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...