I can feel his stares. Hindi ako lilingon. Hindi ko siya titingnan. Ayaw ko siyang makita.
“I thought you’ll reject my offer, Letter. Kabado talaga ako kahapon,” sabi ni Jeris.
Bahagya naman akong natawa kahit na nagmukha iyong peke dahil sa kabang nararamdaman ko.
“Friendly date naman ito ’di ba? Okay lang naman sa akin na lumabas kasama ka,” sagot ko.
Bahagya pa siyang napakamot sa ulo niya at natawa. Lumalabas ang dimples niya dahil doon. He’s handsome indeed. Tatlong taon ang tanda niya sa akin. Malaki ang katawan niya at matangkad din. Maraming nagkakagusto sa kaniya, pero mahiyain talaga si Jeris...o sa akin lang siya nahihiya?
“Aalis naman na tayo next week. Ready ka na ba?” tanong niya.
Kasama siya sa magti-training. Ang alam ko ay may iba pang kasama na taga ibang restaurant. Magkakasama ang mga babae sa isang room at gano’n din ang mga lalaki. Apat lang naman kaming mga babae. Sa lalaki ay hindi ko sigurado kung ilan sila.
“Yup. Nakahanda naman na ang mga gamit ko. How about you?” tanong ko pabalik.
Dumating ang order namin kaya natigil kami saglit sa pag-uusap. Wala sa loob akong napabaling sa gilid ko, kung saan nakapwesto sila Alpha. He’s alone in their table. Nasaan si Atashia?
Mariin ang titig niya sa gawi namin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at tinuon na lang iyon sa pagkain na nilapag sa harapan ko. Pakiramdam ko mahihirapan akong kumain nito dahil sa titig ni Alpha sa akin.
“Okay na rin. I’m excited. First time kong makakaalis ng Pinas,” sagot ni Jeris, bahagya pa nga siyang natawa.
“Ako rin! Kaya medyo kinakabahan pa ako,” sambit ko naman.
Ang alam ko ay nakapunta na kami noon nila Mommy sa ibang bansa. Pero syempre iba ’yung ngayon. Iba ’yung may isip na ako at trabaho ang dahilan ng pagpunta ko sa ibang bansa.
“Bakit ka naman kakabahan? Marami naman tayo ro’n. At magkakilala naman tayo, mas mahirap kung wala kang kakilala ro’n,” aniya.
Kumakain kami habang nag- uusap sa posibleng mangyari sa training namin. Nagserve na rin ng dessert ang waiter, patuloy pa rin kami sa pag-uusap ni Jeris.
Nakakatuwa siyang kasama. Hindi siya nauubusan ng kwento. Kung saan saan na nakarating ang usapan namin. Hindi ko na nga namalayan na umalis na pala sila Alpha kanina. Masyadong nakuha ni Jeris ang atensyon ko.
“Thanks for today, Jeris!”
Hinatid niya pa ako sa apartment ko. Wala rito si Aubrey ngayon, naka-lock pa ang pinto ng apartment ko.
Napakamot sa ulo si Jeris at ngumiti sa akin. Pansin ko na ganito siya sa tuwing nahihiya siya.
“Next time ulit...sana. Sa France naman,” aniya.
Bahagya akong natawa at tumango. “Pwede naman. Friendly date?” tanong ko.
Tumango siya agad. “Oo. Friendly date lang ’yon,” mabilis pang sabi niya.
Hinintay ko pa siyang makaalis matapos no’n. Hinanap ko pa sa bag ko ang susi dahil naka-lock nga ang pinto. Maggagabi na nga akong nakauwi ngayon. Matapos kasi naming kumain ni Jeris ay nagyaya pa siyang gumala kami, para masulit naman daw ang labas namin.
“Letter.”
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Alpha. Agad akong napabaling sa likuran ko at nakita kong nakatayo na siya ro’n.
“What are you doing here?” I asked.
Binalik ko sa bag ko ang susi pero hindi ko inalis ang tingin kay Alpha. Ano bang ginagawa niya pa rito? Malinaw na sinabi kong ayaw ko na siyang makita. Bakit ngayon ay nandito siya?
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...