05

99 7 1
                                    

We went to the party. I am wearing maroon skater dress and stiletto. I put some make ups, just to look presentable.

“Aubrey, Letter! Thanks you came!” Rachel said, Aubrey’s friend.

Siya yata ang may birthday ngayon base sa sexy at pulang-pulang dress na suot niya. Siya rin ang sumalubong sa amin so I assumed this is her birthday party.

“Happy Birthday, Rachel. Bukas na ang gift, hindi ko na dinala rito,” sabi ni Aubrey.

Nagbeso pa ang dalawa at nagkatuwaan sa maikling pag-uusap. Nang bumaling sa akin si Rachel ay binati ko rin siya.

“Happy Birthday!” nakangiting sabi ko.

“Thank you! Enjoy the party!” she respond.

Hinatak ako ni Aubrey papunta sa kung saan. May isang bakanteng sofa at doon ay pinaupo niya ako. May wine na rin siyang inalok sa akin na hindi ko alam kung saan niya ba nakuha.

“Enjoy the party, Letter. Don’t worry, safe ka rito,” bulong ni Aubrey sa akin dahil malakas ang music, hindi ko siya maririnig kapag malayo siya.

“I am fine here. Hindi na ako makikisali sa sayawan,” bulong ko pabalik.

Hindi ako masyadong uminom. Ayaw kong magpakalasing dahil uuwi pa kami ni Aubrey mamaya. Baka masiyahan iyon at maparami ang inom. Mas okay na isa sa amin ay maayos pa at nasa katinuan.

“Hi!” bati ng isang lalaki.

Tumabi siya sa akin. Bahagya akong umusog dahil hindi ako komportable na malapit siya. Yes, I am okay with men now, pero hindi pa rin ako sanay na medyo napapalapit sila sa akin. Kung usap lang, okay naman ako.

“Hello,” bati ko pabalik.

“I’m Frim. Nice to meet you, Miss...”

Tiningnan ko siya. Nakalahad na ang kamay niya sa harapan ko. Naiilang man, pinilit kong tanggapin iyon.

“Letter,” tipid kong sagot.

Agad kong binitawan ang kamay niya. Narinig ko pa ang bahagyang tawa niya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tinuon na lang sa harapan, sa mga nagsasayaw.

“Seems like you’re not into party or bar? Halos lahat nagsasayaw na, ikaw nandito at nakaupo lang,” sabi niya pa.

“Hindi naman sa gano’n. Nakakapagbar at party naman ako. Uhm...ayaw ko lang makisali sa ngayon,” mahinang sagot ko. Hindi ko sigurado kung narinig niya iyon.

“I can see that.”

Tahimik lang ako pero pinakikiramdaman ko siya sa tabi ko. Hawak ko ngayon ang baso na may wine pero hindi ko naman iyon iniinom.

“Do you mind if I stay here? Baka hindi ka komportable na may kasamang lalaki?” tanong niya.

Gusto kong sabihin na, oo hindi ako komportable. Pero ayaw kong maging bastos. Hindi siya nagtangkang lumapit sa akin kahit na halos isang tao pa ang pagitan ng upuan naming dalawa. Nanatili lang siya sa pwesto niya. Nakakapagtaka nga na naririnig niya pa ang sinasabi ko.

“Uhm...okay lang naman.”

Basta manatili lang siya sa pwesto niya. Huwag na siyang lalapit dahil baka bigla akong atakihin ng anxiety ko. Ang sabi ni Dra. Garcia ay may posibilidad na mangyari pa rin iyon sa akin. Kailangan ko lang talagang labanan at mag-ingat din.

“Letter ba ang totoo mong pangalan? Or it’s just a nickname or name na ginagamit mo kapag may nagpapakilala sa ’yo sa mga ganitong lugar?” tanong niya sa malakas na paraan para marinig ko.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon