04

119 7 5
                                    

I start working in a restaurant as waiter. At first, it’s hard for me. Pawis ako palagi dahil sa kaba at takot. But months of being in this work, I am now okay. Nakapag-adjust na ako kahit papaano.

“Ilang taon ka na nga, Efghi?” tanong ni Lyca, isa sa kasamahan ko.

“Nineteen pa lang,” sagot ko.

Mag-twenty na ako sa July 10. Tho, ilang buwan pa bago iyon.

“Ikaw pala pinakabata rito. Halos nasa twenty two pataas na ang edad ng mga nandito,” sabi niya pa.

Tipid lang akong ngumiti. Sa loob ng ilang buwan kong pagtatrabaho rito, wala akong masyadong nakaclose na maituturing kong kaibigan ko. Casual lang ako sa kanila, maayos naman din ang turing nila sa akin dito.

“Table number two, Efghi. Ikaw na magbigay,” utos ni Joan, isa rin sa katrabaho ko.

Kinuha ko ang tray at dinala iyon sa table number two. May dalawang business man na nag-uusap. Nilapag ko ang order nilang kape sa table nila. I can feel their gaze at me.

“Enjoy your coffee, Sir!” nakangiting banggit ko sa kanila.

Umalis ako sa table nila pero ramdam ko pa rin ang titig sa akin nung isa. Hindi ko na lang pinansin pa dahil naging abala na ako sa pagseserve sa iba pang table.

“Efghi, sama ka sa amin. Birthday ng pinsan ko,” pag-aya ni Lyca.

Umiling ako agad. “Nako salamat. Pero hindi kasi ako pwede,” nahihiyang sambit ko.

“Gano’n ba. Lagi ka na lang hindi sumasama sa amin,” nagtatampo ang tonong sabi niya.

“Sorry. Hindi lang talaga pwede.”

Hindi pa ako tuluyang maayos. Pumupunta pa rin ako kay Dra. Garcia para magpatingin. I can talk to guys, but I can’t let them touch me or hold me. My anxiety will attack if that happens.

“Letter, kararating mo lang?” si Aubrey.

Naka-uniform siya at kararating niya lang. Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Tumabi siya sa akin dito sa sofa.

“May schedule ka kay Dra. Garcia sa thursday,” aniya.

I sighed. “Yeah, naka-mark na sa calendar ko ’yon.”

Ramdam ko ang tingin niya sa akin. Bumaling din ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Naninimbang ang tingin niya sa akin.

“May problema ba?” tanong niya na.

Bahagya akong umiling. “Wala naman. Inaaya ako nung isang kasamahan ko kanina, birthday raw ng pinsan niya. Hindi ako sumama,” sagot ko.

Umangat ang isang kilay  niya sa akin. “Bakit naman? Pwede ka namang sumama sa kanila any time you want.”

I sighed again. “You know I can’t be with men, Aubrey.”

Para siyang natauhan sa sinabi ko. Tumangu-tango at hindi na umimik pa. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at muling nagpakawala ng malalim na hininga.

Thursday came and I am here in Dra. Garcia’s clinic. We talked about my everyday routine. Tinatanong niya rin ako kung may nararamdaman ako kapag may malapit na lalaki sa banda ko.

“I can say that there’s some improvements, Letter. I guess you need more time, soonest you’ll overcome it.”

I did what Dra. Garcia said. Lahat ng bilin niya sa akin ay ginagawa ko sa araw-araw. If some guy accidentally touch me, my breathing automatically fast. Pero sabi ni Dra. ay kailangan kong labanan iyon. Inhale and exhale lang hanggang sa kumalma ako.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon