11

77 7 0
                                    

Hindi ako nahirapan sa trabaho ko, infact nag-enjoy pa nga ako dahil natututo ako sa mga luto ni Chef.

“Grabe, Letter, ang galing mong magluto!” puri niya sa akin.

Sa mahigit limang buwan kong nandito, marami akong natutunan sa kaniya. Kapag libreng oras ay tinuturuan niya ako sa iba’t-ibang putahe niya.

Seven always in my side. Hatid sundo niya ako. Hindi pa rin siya nanliligaw at malinaw sa aming dalawa na magkaibigan lang kami. We didn’t kiss or do any thing na hindi dapat ginagawa ng magkaibigan lang. Nilinaw ko sa kaniya na wala pa akong balak makipagrelasyon. And he accept and respect that.

“Sa susunod ay baka ikaw na ang pumalit sa akin, Letter. Ang galing mo na talaga!” sabi pa ni Chef na tinawanan ko naman.

“Mas magaling ka pa rin, Chef. Walang makakatalo sa galing mong magluto,” sinserong tugon ko naman.

Lunch break namin ngayon at nagpa-practice na naman kami ng panibagong putahe. Darating kasi rito ang dating boss niya. Malapit sa pinakaboss namin iyon kaya kailangang magpa-impress kami. Kailangang magluto ng masarap na pagkain dahil sobrang arte raw no’n. Kapag ayaw niya ang pagkain, hindi niya talaga kakainin.

“Tikman mo nga ito, Letter. Tingnan mo kung may kulang pa ba sa lasa,” sabi ni Chef.

Agad akong lumapit para tikman ang luto niya. Hindi ko alam kung anong luto ito pero maraming gulay at medyo may gatas din. Nang tikman ko ang sabaw, nalasahan ko ang pinaghalong tamis ng gatas at alat ng iba pang sangkap.

“Masarap, Chef. The best ka talaga,” puri ko naman.

Tinikman niya rin ang gawa niya. Parang hindi siya satisfied. Parang kulang pa rin iyon para sa kaniya.

“Baka hindi niya magustuhan ito,” mahinang sabi ni Chef.

Nangunot naman ang noo ko. Anong hindi magugustuhan? Ang sarap ng luto niya. Kung ako ang tatanungin ay parang pang-international na nga ang luto ni Chef.

“Masarap, Chef. Sobrang sarap ng luto mo. Ano pang hindi niya magugustuhan diyan?” medyo iritang tanong ko.

Bahagyang natawa si Chef at nilapag ang ginamit na kutsara. Humarap siya sa akin at tinitigan ako, ano namang iniisip ni Chef?

“Sasabihin ko ikaw ang nagluto,” sabi niya sa akin, nakangisi pa.

Nanlaki ang mga mata ko. “Chef! Baka ipaulit sa akin iyan, hindi ko alam kung paano lutuin iyan,” sabi ko naman na kinakabahan na ngayon.

Natawa si Chef. “Ituturo ko sa ’yo ’yan, don’t worry. Pwede kang pumunta sa bahay namin para maturuan kita,” aniya.

Gusto ko ’yon! Hindi pa ako nakakapunta kila Chef. Gusto kong maturuan niya ako ng maraming putahe para magamit ko in the future.


“Thanks, Chef!”


Binalingan niya ang niluluto. “May kulang. Ano sa tingin mo, Letter?” tanong niya sa akin.

Para sa akin kasi ay sobrang sarap na ng luto niya. Ano pa bang kulang ang sinasabi niya? Perpekto na nga ang gawa niya.

“Lagyan mong sili,” natatawang sabi ko naman.


Para makaganti naman siya sa boss niya noon na sobrang sungit. Akala mo naman kung sino. Ilang taon na ba ’yon? Wala bang asawa ’yon na pwedeng magluto para sa kaniya?


“Tama! Mahilig siya sa maanghang. Buti na lang sinabi mo iyan, Letter.”

Laglag ang panga ko. Pinanood ko si Chef na maghiwa ng maraming sili. Sa akin ay biro lang naman iyon, hindi ko alam na nakatulong pa pala ako sa lagay na ’yon.


Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon