Hindi pa rin nagbago ang tungo ko kay Alpha kahit nanghingi naman na siya ng tawad. Sa ilang linggo naming magkasama, madalas ko siyang napapansin na laging nakatitig sa akin. Hindi na rin naman naulit na nahuli ko siyang may kasamang babae sa office niya.
Madalas gusto niyang sabay na kaming kumain sa office niya. Minsan hinahayaan ko, pero minsan naman ay tumatanggi ako. Hindi ko alam kung anong gusto niya. Hindi ko gustong bigyan ng meaning ang mga actions niya.
Madalas din siyang nagtetext sa akin. Nagrereply ako kapag importanteng text. Tulad ngayon, may text na naman siya at tinatanong ako kung anong ginagawa ko o kung may lakad ba ako. Hindi ako nagreply.
"You ready, Letter?" tanong ni Aubrey.
Weekend ngayon at may lakad kaming magkakaibigan. Kasama ang magkapatid na Almero. Pupunta kaming Boracay. Overnight kami ro'n.
"Okay na. Tara na?" Binuhat ko na ang isang malaking bag ko. Nandito na lahat ng kailangan ko.
Pagkalabas ko ng kwarto ay agad akong dinaluhan ni Seven. Siya na ang nagbitbit ng bag ko. Umangkala naman si Aubrey sa akin.
"Tuloy ka na ba next week?" tanong niya.
Hinihintay pa naming maayos ang mga gamit namin sa kotse. Nakatayo lang kami at pinanonood ang mga lalaki na ayusin ang gamit namin.
"Yes. Nakapagbayad na ako ng para sa dalawang buwan. Malapit naman na akong sumahod, mababayaran ko rin ang iba pang buwan sa susunod," sagot ko.
Bubukod na ako. May nahanap na akong apartment na hindi kalayuan dito sa kanila. Nasabihan ko na rin ang magulang ni Aubrey about dito. Gusto nilang tumulong sa pagbabayad ng renta pero tinanggihan ko na. Sobra-sobra na ang tulong nila sa akin.
"Bakit kasi aalis ka pa rito? Wala na akong kasama," pagpapaawa niya pa.
"Bibisitahin kita, o kaya ikaw ang pumunta sa apartment ko," sabi ko naman.
Buo na ang desisyon ko sa paglipat. May iilang gamit na nga ako ro'n. Next week ko aasikasuhin lahat.
"Girls, sakay na kayo," sabi ni Frim sa amin.
Sabay kaming lumapit ni Aubrey sa kotse. Pinauna ko na siyang sumakay dahil mas gusto niyang nasa tabi siya ng bintana. Ako rin naman gusto ko ng gano'n, pero ayos lang naman sa akin kahit saan ako pumwesto.
"Wala na bang nakalimutan?" tanong ni Frim sa amin.
Umiling na lang ako. Sumagot naman ang iba pa naming kasama. Mga kaibigan ni Aubrey na nakilala na rin namin.
Malayo-layo ang biyahe namin. Sa buong biyahe ay maingay ang mga kasama namin. Ako naman ay nakasandal lang kay Seven. Siya ang katabi ko sa kabilang gilid ko. Si Aubrey naman sa kabilang side ko.
"Nagugutom ka na ba?" tanong ni Seven sa akin.
Medyo malayo pa ang biyahe. Nakakaramdam na ako ng gutom pero kaya pa namang tiisin hanggang sa makarating na lang sa pupuntahan namin.
"Medyo. Pero mamaya na ako kakain," sagot ko.
Nakayanan ko naman ang gutom ko hanggang sa makarating na kami ng Boracay. Nagpasyang kumain na muna bago maligo dahil halos lahat kami ay gutom na pala.
"Kayo na ba?" tanong ng isang kasama namin.
Pinaghahanda kasi ako ni Seven ng pagkain. Nakatingin sila sa amin. Umiling ako bilang sagot.
"Halos dalawang buwan pa lang akong nanliligaw," sagot ni Seven sa nagtanong.
"Akala ko matagal ka ng nanliligaw kay Letter. Hindi ka pa pala nanliligaw noong mga nakaraan?" sabi pa nung isang lalaki, si Geo.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...