13

84 8 0
                                    

Malaki ang kusina. Actually hindi lang basta kusina ang room na ito dahil sa gilid ay may mahabang sofa at maliit na lamesa. May cr din sa kabilang sulok. Ang kusina ay kumpleto sa gamit. May isang malaking drawer kung saan nakalagay lahat ng kasangkapan. Ang mga estante na gawa sa salamin ay kumpleto sa mga gulay at iba pang rekados.

Nang buksan ko ang double door na ref, bumungad sa akin ang mga karne at iba pang frozen foods. May isang hindi kalakihang ref pa sa tabi nito, nakalagay ro’n ang mga gulay na kailangang i-ref para hindi masira. May mga prutas din doon. Kumpleto talaga lahat.

“Miss Efghi, pinapasabi po ni Mr. Hansen na kung may kailangan kayo at wala rito, pakisabihan na lang po ako o hindi kaya ay pindutin po ninyo ang bell na nasa gilid ng counter,” sabi ng secretary ni Alpha.

Tiningnan ko ang bell na sinasabi niya. May isang maliit na bell na nakadikit sa gilid ng counter. Tumango na lang ako sa secretary ni Alpha.

“Thank you.”

Umalis na ito. Kinuha ko ang apron para makapagsimula na ako. Ang mahaba at blonde kong buhok ay tinali ko para hindi makasagabal kapag nagluluto ko. I also wear hair net and the spit guard mask that I saw here.

May drawer kung saan nakalagay ang iba’t-ibang design ng apron. May hair nets, masks and even gloves. Kumpleto talaga lahat dito. Hindi na nakakapagtaka dahil sobrang yaman ni Alpha. May personal cook na nga siya ngayon at ako iyon.

Hinanap ko ang sinasabi niyang listahan ng mga pagkain niya. Nakadikit iyon sa pinto ng ref niya. Isang buong yellow paper pa nga iyon. Bukod ang para sa breakfast, lunch, merienda, and dinner. Dinner? Umaabot ng dinner? Hanggang five PM lang ako, a. Ibig sabihin ipagluluto ko pa siya ng dinner?

“Wala naman siyang sinabing pagkain, basta gusto niya lang maanghang,” sabi ko habang tinitingnan ang mga pagkaing nakasulat sa papel.

I decided to cook quesadilla for his breakfast. Gagawaan ko na lang siya ng juice or coffee, it depends kung anong tingin niyang babagay rito. Kapag kape, mainit iyon tapos maanghang naman ang kakainin niya, hindi siguro bagay kapag gano’n. Mainit iyon sa bibig.

It took half an hour. Juice na lang ang ginawa ko kaysa sa kape. Kahit na masama ugali niya, hindi ko naman siya gagantihan gamit ang pagkaing ginawa ko. May puso pa rin ako kahit papaano.

“Here’s your breakfast,” sabi ko sabay lapag sa lamesa niya.

Hindi nakasara ang pinto niya kaya dumiretso na ako, may hawak din naman akong tray, hindi ako makaka-katok kung sakaling nakasara ang pinto niya.

“Thanks, you can go now,” masungit niyang sabi.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Nakatuon lang iyon sa mga papeles at sa laptop na nasa harapan niya. Nang maramdaman niyang nakatayo pa rin ako sa gilid niya ay saka lang siya tumingin.

“What?” iritadong tanong niya.

“Kainin mo muna ’yang ginawa ko. Kapag naubos mo na saka ako aalis,” sagot ko.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Para bang may nasabi akong ikinagalit niya. Nagtaas ako ng kilay ay tumayo ng maayos.

“Can’t you see? I have a lot of things to do. Go back to your room and let me eat that later,” he said.

I shook my head. Kung sa ibang cook niya ay ganito ang gawain niya, hindi uubra sa akin. Gusto kong makita na kinakain niya ang mga pagkaing inihahanda ko. Ayaw kong sasayangin niya. Ayaw kong itatapon niya kapag hindi niya gusto.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon