01

149 5 1
                                    

I’m busy cooking my Mom’s favorite food. It’s her birthday today. Pauwi na sila ni Daddy.

“Yaya, malapit na raw ba sila?” tanong ko.

Patapos na kasi akong magluto. Ihahanda ko na lang sa table lahat. Tinutulungan naman ako ni Yaya Lota ngayon.

“Pauwi naman na, Letter. Ang mabuti pa ay ihanda na natin ang mga ito sa lamesa,” sabi niya.

Hinango ko na ang ulam na niluto ko. A simple dinner for Mom’s birthday tonight. Hindi siya mahilig sa engrandeng birthday celebrations.

Nang ma-ilagay ko na ang niluto kong ulam. Bumalik ako sa kitchen para kumuha ng extra lalagyan. Papunta na sana ako sa dining table nang biglang malaglag iyon sa kamay ko.

“Nako, hija! Huwag mo nang hawakan at baka masugatan ka pa. Ako na ang bahalang maglinis,” pigil ni Yaya sa akin.

Para akong tinakasan ng sarili ko. Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa nabasag na lalagyan. That’s my Mother’s favorite plate.

“Ipagpatuloy mo na ang paghahanda, Letter. Malapit na siguro ang magulang mo,” sabi pa ni Yaya.

Winaksi ko sa isip ko ang mga negatibo kong naiisip. Nag-ayos na muli ako ng mga pagkain. Nang matapos ay naghintay na lang ako ng pagdating nila Mommy sa may sala. Ilang minuto pa lang naman ang nakakalipas, malapit na siguro sila.

Tumunog ang telepono namin. Wala si Yaya kaya ako na ang sumagot doon.

“Hello?” sa magalang na tonong sambit ko.

[“Good evening. Is this Efghi Soriano? Daughter of Efra and Ghil Soriano?”] boses ng babae.

“Yes po. Ano pong meron?” muling tanong ko.

[“Can you go here, Ma’am?”] Binigay niya ang pangalan ng Ospital.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero agad akong nakaramdam ng kaba at takot. Pumunta ako sa kwarto para kumuha ng hoodie at wallet. Bahala na kung maiwan ang mga pagkain na hinanda ko. Hindi ko na rin nasabihan pa sila Yaya. Nagmadali akong lumabas at humanap ng taxi para ma-ihatid ako sa Ospital.

“Mr. and Mrs. Soriano po,” sabi ko.

Agad nilang sinabi sa akin kung nasaan. Halos manlumo ako. Dinaluhan ako ng doctor na tumingin sa magulang ko.

“I’m sorry, hija. Dead on arrival ang parents mo. We tried to at least make them survive but... I’m really sorry.”

This scene is like a dream. A nightmare for me. Nasa harapan ko ngayon ang magulang ko. Ang mga mukha ay parang natutulog lang. This can’t be. Hindi sila pwedeng mamatay.

“Mom, wake up! We will celebrate your birthday, right?” humagulgol ako.

I stayed here for more minutes. Pinalabas lang ako nang dumating ang mga kamag-anak namin. Sa side ni Papa maging sa side ni Mama. They took care of all we need here in the hospital. The bills and funerals.

“Letter? Oh God! I heard the news. I’m sorry I’m late,” my bestfriend, Aubrey.

I hug her. Iniyak ko muli sa kaniya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kung panaginip lang ’to, gusto ko nang magising. Isang malaking bangungot ito sa akin.

Apat na araw lang ang ginawa nilang lamay para sa magulang ko. Pinag-awayan pa iyon both side. Gusto ng side ni Daddy na isang linggo, dahil ito na raw kasi ang huling beses na makakasama namin si Daddy. Ayaw naman ng side ni Mommy na gawing isang linggo dahil ang iba sa kanila ay sa ibang bansa na nakatira, hindi raw sila pwedeng magtagal dito.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon