14

77 8 0
                                    

Agad akong dinaluhan ni Alpha. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ko at dinudungaw ang mukha ko. Nakayuko ako at patuloy na tumutulo ang luha. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

“Letter, what the fuck is happening? Why are you crying?” mariin ang bawat salita niya.

Umiling ako. Hindi ko magawang magsalita dahil sa pag-iyak ko. Naramdaman ko ang matigas niyang dibdib. Niyakap niya ako. Ang paghinga niya ay masyado ring mabilis.

“Tell me what happened, I am worried,” he whispered.

Hinayaan ko siyang nakayakap sa akin. Hinayaan ko rin ang sarili ko na mawala sa mga haplos niya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ikinakalma ang sarili at pilit nilalabanan ang takot at panginginig na nararamdaman.

Ilang minuto ang nakalipas ay kumalma na ako. Kumalas ako sa yakap niya at inayos ko ang sarili ko. Nakatingin siya sa akin, naninimbang ang mga titig. Umawang ang bibig pero walang salitang lumabas.

“What happened?” he asked after a minute.

I shook my head. “Wala. Sorry, naiyak lang ako sa pinanood ko,” sagot ko, nag-iwas ako ng tingin.

Tumayo na ako at inabala na lang ang sarili sa pag-aayos ng mga gagamitin ko sa pagluluto ng lunch niya. Ramdam ko pa ring nakatingin siya sa akin. Sinikap kong hindi siya tapunan man lang ng tingin.

“Are you okay?” he asked me again.

Tumango lang ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa pag-iyak ko sa kaniya kanina. Baka kung anong isipin niya.

“Bakit ka nga pala nagpunta rito?” tanong ko.

Hinuhugasan ko ang mga patatas. I can feel him glide at my back. My heart automatically beats fast. Parang may karera sa loob ng dibdib ko.

“I am here to check you. And I saw you crying,” he whispered.

I swallowed hard. Ramdam ko siya sa likuran ko. I stiffened for  a moment. His warm breath is in my left ear.

“I’ll go now. Are you okay here?” he asked in a low and baritone voice.

I nod. “Yes. Sorry sa naabutan mo kanina. Uhm...dadalhin ko na lang ang pagkain mamaya.”

Inasikaso ko na ang para sa lunch niya. Namili na lang ako sa mga nakalista sa papel. Sinikap kong ituon lahat ng atensyon sa pagluluto. Umalis na si Alpha. Wala siyang ibang sinabi sa pag-alis niyang iyon. Para pa akong nakahinga ng maluwag. Ang maluwang na silid na ito ay parang sumikip kanina at hindi ako makahinga ng maayos noong nandito siya.

Bigla ay naalala ko ang nangyari sa amin. Hindi niya naman binanggit sa akin iyon. Pinanindigan ko ring hindi ko siya kilala sa mga nagdaang araw at ngayon ko lang siya nakilala. Pinanindigan kong hindi na bigyang pansin pa ang nangyari sa amin dahil alam ko namang wala lang iyon para sa kaniya.

Kagaya sa breakfast niya, nang ibigay ko ang lunch niya ay hindi ako agad umalis sa office niya. Pinanood ko siyang kainin ang luto ko. Araw-araw kong gagawin ito masiguro ko lang na kinakain niya lahat ng niluluto ko.

“Did you eat lunch already?” he asked.

Tumango ako bilang sagot. Patapos na siyang kumain. Hindi ko sigurado kung gutom ba siya o minadali niya lang talaga dahil marami pa siyang ginagawang trabaho.

Nang matapos ay kinuha ko na ang pinagkainan niya. Pinanonood niya ang bawat kilos ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagawa kong ayusin ang kinainan niya nang hindi nababasag. Masyado akong apektado sa mga titig niya.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon