Where is he going? Paano niya nalaman ang eksaktong lugar kung nasaan ako ngayon? Did he investigate? Did he ask Aubrey? Pero hindi naman sasabihin ni Aubrey kung nasaan ako.
“Here’s your coffee, Madame and Sir!” the server said.
Napatingin na ako sa kapeng nilapag sa lamesa namin. Iced coffee ang sa akin, black and hot coffee naman ang kay Chef Aaron.
“Kumusta ka naman sa mga nakalipas na buwan, Letter?” tanong ni Chef Aaron sa akin.
Mukhang matatagalan kami rito at maraming mapag-uusapan. Kaya naman umayos na ako ng upo at tinuon na lang sa kaniya ang buong atensyon. Baka namalikmata lang ako kanina nang makita ko si Alpha. Hindi siguro siya iyon.
“What news did you hear?” I asked.
He sips in his coffee. “You lost your baby. And Atashia, Alpha’s ex was in jail?”
I nod.
“Yeah. Until now nasa kulungan pa rin naman siya. Kulang pa nga iyon sa ginawa niya. Pinatay niya ang baby ko.”
I heaved a sigh. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko.
“I also lost my sense of taste. Sa rami ng gamot na iniinom ko noon, naapektuhan na ang panlasa ko. Ilang buwan akong hirap na hirap sa pagluluto dahil hindi ko malasahan,” dagdag ko pa.
I drink my iced coffee. Ramdam kong nakatitig lang siya sa akin ngayon.
“That was hard for you. Kaya pala natagalan kang bumalik kahit na four months ago ka pa binigyan ng chance na makabalik ulit after what happened,” aniya.
I nod. I wipe my lips after drinking iced coffee. Bawat galaw ko sinusundan niya ng tingin.
“Sobrang hirap. Naranasan ko na namang bumalik sa doktor ko para lang maayos ulit ang lagay ko. Kasi palagi, tuwing madaling araw ay binabangungot ako ng iyak ng baby,” pagkwento ko pa.
“Oh? Ilang buwan mong naranasan iyon?” kuryoso niyang tanong.
Inisip ko pa kung gaano ako katagal nagsuffer sa trauma at sakit na dulot ng pagkawala ng baby ko.
“Two months ’yung sa bangungot. Pero ’yung pagpunta ko sa doctor ko, inabot ako ng almost six months or seven.”
Marami pa kaming napagkwentuhan. Nauwi pa ang iba sa mga nagawa nila nung mga nakaraang buwan. Ang sabi niya ay makakahabol pa raw ako. Pwede niyang ituro sa akin iyon every weekend, kung gusto ko raw. Syempre pumayag ako. Sayang ang opportunity.
Lahat ng mga sangkap at iba pang kailangan namin sa bawat training ay sinusulat namin. Pagkatapos ng isang taon, rereview namin iyon at saka kami magluluto ng isang putahe mula ro’n. Kumbaga ay iyon ang magiging exam namin, ang pagluluto ng napiling putahe.
“Masyado na tayong nalibang sa usapan,” natatawang sabi niya.
Alas siyete na nga. Hindi ko rin namalayang nakadalawang oras kami rito. Kaya nagpasya na rin kaming bumalik na sa building kung saan kami tumutuloy.
“Thanks for today, Chef Aaron!” nakangiting sabi ko nang nasa lobby na kami.
He chuckles. “Too formal, eh?” He laugh a bit. “Just Aaron, Letter. No need to be formal when we’re outside the training room.”
Bigla naman akong nahiya. Nakasanayan ko na rin kasing tawagin siyang gano’n kahit nasa labas ng training room. Para bang hindi kumpleto ang pangalan niya kapag walang Chef sa una. Para bang nakadikit na iyon sa pangalan niya, at parang kasalanan pa kapag hindi iyon nabanggit kasama ng pangalan niya.
Nasanay lang siguro talaga ako kaya ganito ang naiisip ko ngayon. Pero tama naman din siya. Kapag nasa labas, magkakaibigan kami. Kaya dapat sa pangalan lang nila sila tinatawag.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...