23

67 7 0
                                    

WARNING: SPG R18+
-----------





Matapos kong gumawa ng meryenda ay bumalik ako sa office ni Alpha. Naabutan ko siyang nakapikit at nakasandal sa upuan niya. Nilapag ko sa table ang dala kong meryenda namin. Nang tingnan ko siya ay gano’n pa rin ang ayos niya.


I decided to give him a massage. Mukhang stress na stress siya at pagod sa work. Nasa bandang likuran niya ako at sinimulan kong hilutin ang sentido niya. Napadilat siya ng mata at tumitig sa akin.


“Massage ko na para maginhawaan ka kahit papaano,” sabi ko.


Medyo nahihiya pa ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagmasahe sa sentido niya. Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. Ilang minuto ang nakalipas ay ang balikat niya naman ang minasahe ko. Umayos pa siya ng upo para mas magawa ko rin ng maayos ang pagmamasahe.


“Damn. This feels so good,” he murmured.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa balikat niya. Natigil ako dahil doon. Muling tumingala siya sa akin para makita ang mukha ko.


“Thank you,” he said.


Marahan niyang hinila ang kamay ko. Nagpaubaya ako. Nagkalapit ang mukha naming dalawa dahil sa pagyuko ko nang hatakin niya ang kamay ko. I felt his lips in mine. He kiss my lips softly.


“Damn. You’re mine...” he mumbled.


Umayos na ako ng tayo pagkatapos no’n. Walang kibo akong pumunta sa pinaglapagan ko ng meryenda namin. Nahihiya ako sa kaniya. Nahihiya ako sa nangyayari. Hindi ako sanay sa ganito.


“Bakit mo pi-n-ost ’yung picture natin?” mahinang tanong ko.


Nakatayo lang ako habang nagsisimula nang kumain ng meryendang ginawa ko. Narinig ko naman ang ingay mula sa swivel chair niyang tinulak niya palapit dito.


“Sit here,” he said.


Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na niya ulit ako. Napaupo na naman ako sa hita niya. Para akong natuod na naman dahil doon. Kumuha siya ng meryenda na parang wala lang nangyari. Ako na sobrang apektado sa bawat kilos niya pero siya ay parang wala lang. Kumuha pa ng juice at marahang ininom iyon dahil baka mabasa ako kapag hindi siya nag-ingat.


“Ayaw mo bang magpost ako? Pwede ko namang alisin na lang kung ayaw mong nakapost iyon,” sagot niya.


Hindi ako sumagot. Marahan ko na lang kinagat ang sandwich na hawak ko. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero pinilit kong ituon ang tingin ko sa kinakain ko.


“If you’re not comfortable, I can delete the post, Letter.”


Hindi naman ako kita sa picture na nakapost sa kaniya. Hindi rin naman ako makikilala ng mga makakakita no’n.


“Hayaan na lang,” mahinang sagot ko.


Muli kong kinagat ang sandwich na hawak ko. Hangga’t maaari nga ay ayaw kong magsalita. Gusto kong punuin ng sandwich ang bibig ko para hindi ako makapagsalita kapag kinausap ako ni Alpha.


“What a nice coincidence, your name and my name are alphabets,” he said.


May laman ang bibig ko kaya hindi ako sumagot. Nakatingin naman siya sa akin kaya alam kong napansin niya rin naman iyon.


“Abcd...” binanggit niya ang pangalan niya sa bawat letra. “Efghi...” At dinugtong ang pangalan ko na binanggit rin sa bawat letra.


Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon