I just smiled at him. Maraming tao, maraming makakakita sa amin kung babalakin niya nga akong halikan ngayon. Ayaw kong magconclude ang mga tao na may relasyon kami ni Seven.
“I badly want to kiss you right here and right now,” he whisper.
Marahan niyang hinapit ang katawan ko palapit sa kaniya. Kumabog ang dibdib ko pero hinayaan ko siya. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap na lang.
“Do you like me, Letter?” namamaos ang boses niyang tanong sa akin.
Nakasubsob sa leeg ko ang mukha niya. Nasa tubig kami kaya nagagawa niyang magpantay ang taas naming dalawa. Nakayakap siya sa baywang ko at nakasubsob ang mukha sa leeg ko habang ako naman ay nakakapit na sa batok niya bilang suporta na rin.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi niya rin ginawang ulitin pa iyon. Hinayaan namin ang isa’t-isa sa gano’ng ayos. May iilang nakatingin sa amin pero hindi naman kami inasar.
Three AM when Aubrey pulled me. Uuwi na kami. Ihahatid pa ako ni Seven, nakainom na siya pero hindi naman sobrang lasing. Kaya niya pang magdrive.
“Thank you, Sev. Ingat ka sa pagdrive,” bilin ko.
Inalis ko ang seatbelt. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang pigilan niya naman ako. Bumaling ako sa kaniya. His weary eyes bore to me.
“Can I court you, Letter?” he asked.
My lips parted. Napatingin siya ro’n kaya agad kong tinikom. I clear my throat.
“Nasabi ko na sa ’yo ang tungkol diyan, Seven. Hindi ko pa kayang tumanggap ng manliligaw,” mahinang sabi ko sa kaniya.
He slowly nod. Sumandal siya sa upuan at pinikit ang mga mata. Hindi ako bumaba muna. Hinintay ko siya.
“Okay. I’m sorry ’bout that.”
Tumingin na siya sa akin at ngumiti. Hinaplos niya lang ang baba ko habang nakatitig sa akin.
“Magpahinga ka na,” mahinang sambit niya pa.
Nagpaalam na ako sa kaniya. Pagkarating ko naman sa kwarto ko ay agad kong sinalpak ang sarili ko sa kama. Hindi ko na nagawang maligo o maghalfbath. Agad akong nakatulog.
Almost twelve PM na akong nagising. Sobrang sakit ng ulo ko. Masakit din ang katawan ko dahil ilang oras kaming nasa tubig. Pakiramdam ko ngayon nasa tubig pa rin ako, para akong umaalon.
“Kape? Tubig na malamig?” bungad ni Manang sa akin.
Umupo ako at hinilot ang ulo ko. Nilapagan niya ako ng malamig na tubig at gamot. May nakahanda na ring pagkain sa hapag. Nagsimula na akong kumuha ng pagkain ko para mainom ko na ang gamot na ibinigay ni Manang.
“Thanks, Manang.”
Hindi ko alam kung nasa kwarto ba si Aubrey. Hindi ko na rin inabala pa ang sarili ko na tingnan siya ro’n. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya.
Napadalas ang labas namin ni Aubrey nitong mga nakaraan kaya naman nagpahinga na muna kami buong linggo. Nandito lang kami sa bahay at kaming dalawa ang nagbonding.
Sa mga sumunod na linggo ay inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng trabaho. I tried to sent another answers in Hansen’s Company. Baka may available pa sila.
“You know what, I can help you find a work,” Seven said.
We’re here in a café. Umaga at balak kong maghanap ng trabaho ulit. Sakto namang pumunta siya sa bahay at inaya akong gumala, sinabi kong may gagawin ako kaya sinamahan niya na lang ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...