32

61 5 0
                                    

Isang linggo akong pinagpahinga sa kwarto nila Aubrey. Dinadalhan niya lang akong pagkain. Kapag naman maliligo, inaalalayan niya pa ako. Nang sabihin ko kasi sa kanila na maselan ang pagbubuntis ko kaya ako pinauwi, mas naging maingat na sila sa akin.

“Pwede na ba akong lumabas?” tanong ko kay Aubrey.

Tanghalian namin ngayon, kaming dalawa ang nandito sa apartment. Wala ang magkapatid dahil parehas abala sa company nila. Si Aubrey naman ay mahigit isang linggo na raw naka-leave. Balak niya na ring magresign sa trabaho niya. Hindi niya sinabi ang dahilan.

“Saan mo ba balak pumunta?” tanong niya naman.

Tinuon ko ang atensyon ko sa pagkain dahil sa tanong niyang iyon. Alam kong tututol siya kapag sinabi ko kung saan ako pupunta. Pero kailangan ko rin kasing gawin ito.

“Pupunta ako kay Alpha,” mahinang sagot ko.

Hindi ako nakarinig ng tugon niya. Inangat ko ang tingin sa kaniya. Laglag ang panga niyang nakatingin sa akin ngayon.

“Well, I want to talk to him about our baby,” I added.

She heaved a sigh.

“Pwede naman. Pero alam niya bang pupunta ka? Sinabihan mo na ba siya?” tanong niya.

Umiling ako. “Hindi pa. Mamaya ko pa sana tatawagan,” sagot ko.

“At alam mo rin bang wala na siya sa pwesto niya as CEO of the company dahil sa ginawa niyang paglabag sa magulang niya?” dagdag niya.

I nod. I know that, too. Nabalitaan ko rin iyon isang buwan na ang nakakalipas. Hindi ko alam kung nasaan si Alpha ngayon. Pero susubukan kong tawagan ang number niyang nasa akin pa rin ngayon.

“I saw him last time, sa isang party. Mukhang okay naman siya kahit na hindi na siya ang naghahandle ng company nila.”

Ang huling naging usapan namin ay kukuhanin niya ang pera niya at aalis sa company nila. Baka nakuha niya na nga kaya kahit na hindi na siya ang CEO ro’n ay may pera pa rin siya.

Natapos ang pananghalian namin ni Aubrey at sabay rin kaming nagpahinga muna. Alas tres nang magpasya akong bumangon at  tawagan na rin si Alpha.  Ilang ring pa bago iyon masagot.

“Hello...”

I bit my lower lip. Walang sumagot sa kabilang linya.

“Alpha...this is Letter. Uhm...I just want to talk to you,” I started.

Akala ko ay wala pa ring sasagot sa kabilang linya. Nang ibababa ko na sana ay narinig ko naman ang mabigat niyang paghinga.

[“Sure. I’ll send you my address...or wanna meet in mall or restaurant?”]

Hindi ako agad nakasagot. Nagulat pa ako dahil ang una niyang binanggit ay ang tungkol sa address niya. Bakit naman niya naisip na makikipagkita ako sa mismong tinutuluyan niya?

“Mall na lang,” sagot ko.

Sinabihan ko siya kung saang mall kami magkikita. Hindi naman kami magtatagal sa pag-uusap. Baka nga hindi pa aabutin ng dalawang oras iyon. Gusto ko lang ipaalam sa kaniya na buntis ako sa anak niya.

Kaya naman nang pumayag siya at sinabing gagayak muna, gano’n din ang ginawa ko. I am wearing red longsleeve dress. Hindi ako pinayagan ni Aubrey na magpants dahil buntis daw ako. Flat shoes din ang pinasuot niya sa akin para mas safe raw. Hindi ako naglagay ng make ups, liptint lang ang ginamit ko. Ayaw ko ng make ups, naiirita ako kapag mayroon sa mukha ko.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon