Walang tumayo sa dalawa. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa amin si Alpha. Nagtama ang tingin namin pero agad niya rin iyong binaling kay Seven. Tumango siya rito. Gano’n lang ang batian nilang dalawa.
“Sa labas muna tayo, Aub?” sabi ni Seven.
Kumalas naman sa yakap ko si Aubrey. Kumaway pa siya kay Alpha. Tumango lang naman din si Alpha sa kaniya. Hinintay naming lumabas ang dalawa. Lumapit sa akin si Alpha nang masara na ang pinto.
“You okay?” he asked.
Naupo siya sa gilid ko, sa pwesto ni Aubrey kanina. Inakbay niya ang braso sa akin, ginawa ko iyong unan. Ang isang kamay naman niya ay dumako sa puson kong may hot compress. Inalis niya iyon at nilagay sa gilid ng kama. Hinihilot niya ang puson ko ngayon.
“Sorry hindi ako nakapasok,” mahinang sambit ko.
Hinalikan niya ako sa noo.
“It’s okay, Letter. Ilang beses nang nangyari ito. Next time I won’t use protection, para mahigit siyam na buwan kang walang ganito,” aniya.
Nahampas ko ang kamay niyang nasa puson ko kahit na nanlalata pa ako. Puro kalokohan ang sinasabi niya.
Akala ko ay tatawanan niya ako pero nanatiling seryoso ang mukha niya. Pinagpatuloy niya ang paghilot sa puson ko.
“I’m serious, Letter. If being pregnant means you’ll not experience that kind of pain, then I’m willing to get you pregnant,” he said.
Naiiwas ko ang tingin ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Para akong naubusan ako ng sasabihin dahil sa sinabi niya.
“Do you want something to eat?” he asked.
Busog pa ako. Pinakain ako ni Aubrey kanina. Pero parang gusto ko ng pagkain na medyo maanghang or maalat.
“I want something spicy and salty,” I answered.
I look at him. His eyes furrowed. He took his phone and give his attention in it.
“Okay na ako sa fries na barbeque flavor,” dagdag ko para hindi na siya mahirapan.
Tinawagan niya ata si Rean. Inutusan niya ito na magpadeliver ng fries para sa akin. Nang matapos ang tawag ay muling tumabi sa akin si Alpha. Mas humiga pa siya ng maayos para mayakap ako at masubsob ang mukha sa bandang leeg ko.
“You can take a rest if you want,” I said.
Feeling ko kasi pagod na pagod siya. Mukhang puyat din ang isang ito. Marami yata siyang tinapos na trabaho kagabi.
“Hmm. Yeah. Sila Aubrey na ang bahalang kumuha ng fries mo later,” aniya.
Hinayaan ko siyang matulog sa tabi ko. Pinaglaruan ko ang buhok niya, sinusuklay ko gamit ang daliri ko. Mas lalo ata siyang nadala ng antok dahil doon.
“Letter, ito na ’yung...fries mo,” ani Aubrey.
Malakas pa ang boses niya pero nang makita niyang tulog si Alpha sa tabi ko ay humina rin ang tono niya. Nilapag niya sa table ang isang paper bag.
“Thank you,” mahinang sambit ko.
Tumango lang siya at tinuro na ang pintuan, nagpapaalam na siyang lalabas siya kaya naman tumango na lang ako. Pagkalabas niya ay binalik ko naman ang tingin kay Alpha na tulog na tulog na ngayon.
Nakaidlip din ako matapos ang ilang minuto. Nagising lang ako nang maramdaman ko ang maliliit na halik ni Alpha sa pisngi at panga ko.
“Did I wake you up? Sorry. I just want to kiss you,” he huskily said.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...