Natapos ang maghapon na wala akong ginawa kundi ang tumanga lang sa kwarto. Kinabukasan ay may pasok na si Aubrey. Naiwan na naman ako rito sa bahay. Nagpasya na lang akong maglinis at magluto.
“Letter, may bisita ka!” sigaw ni Manang.
Lumabas ako sa kusina para tingnan ang sinasabi ni Manang na bisita. Bumungad naman sa akin si Seven na may dalang bouquet ng red roses. Nang magtama ang tingin namin ay agad siyang ngumiti.
“Good morning!” bati niya.
Lumapit ako sa kaniya. Binigay niya sa akin ang bulaklak. Nagtataka man, tinanggap ko pa rin iyon.
“No courting, right? Para saan ang bulaklak?” tanong ko.
He chuckles. “Ngayon lang ’yan. Hindi na ako magbibigay sa susunod,” sabi niya naman.
Tumango na lang ako. Naupo ako sa sofa at inaya rin siyang maupo. Pawis ako dahil sa paglilinis kanina at pagluluto.
“Amoy pawis ako. Maliligo lang ako saglit. Hintayin mo ako rito,” paalam ko sa kaniya.
Tumango naman siya. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko dala ang bouquet na bigay niya. Nagmadali ako sa pagkilos dahil may naghihintay sa akin. Ayaw ko pa naman ng gano’n. Na-pe-pressure ako kapag may naghihintay sa akin habang nag-aayos ako.
“Dito ka na maglunch, Seven. Nagluto ako kanina,” sabi ko pagkalabas ko ng kwarto.
Minadali ko talaga ang pagligo at pag-aayos. Medyo tumutulo pa ang buhok ko ngayon pero okay lang, kaysa matagalan ako.
“Thank you, Letter.”
Lunch time na rin naman na, mag-aayos na ako ng hapag para makakain na kami. Sumunod siya sa akin at umupo na. Inayos ko ang mga gagamitin.
“Sorry hindi ako nakapagsabi agad,” sabi niya pa.
Nilapag ko ang baso. “Ayos lang. Wala rin naman akong ginagawa, katatapos ko nga lang magluto kanina nang abutan mo ako rito,” sagot ko.
Kumuha na ako ng luto kong ulam. Inaya ko na rin sila Manang pero sabi nila ay mauna na raw kami ni Seven. Hindi na ako namilit pa.
“Do you want to go out? Gala lang tayo. Kung saan mo gustong pumunta,” aniya.
Nagsasandok ako ng kanin ko. Hindi ko alam kung saan pwedeng gumala. Tinatamad din ako sa totoo lang.
“Dito na lang tayo. Tinatamad akong lumabas,” sagot ko sa kaniya.
Tahimik kaming kumain. Wala naman din kaming pag-uusapan kaya mainam na ring kumain kami na tahimik lang. Nang matapos ay pinapunta ko na lang siya sa sala para makapag-ayos ako rito sa kusina.
“Letter, hayaan mo na ’yan diyan. Asikasuhin mo na lang ang bisita mo,” si Manang.
Hindi naman din niya ako titigilan kaya hindi na lang ako nakipagtalo pa. Pumunta na ako sa sala kung saan naabutan ko si Seven na nakaupo sa sofa at nakatutok sa phone niya. Lumapit ako at naupo sa tabi niya.
“Nagtext si Frim,” sabi niya pagkabaling sa akin.
“Anong sabi?”
“Hindi ko raw siya sinama,” sagot niya.
Bahagya akong natawa. Pwede naman silang pumunta rito anytime. Okay lang naman kay Aubrey na tumanggap ng bisita. Wala namang problema ro’n.
“Papuntahin mo. Ayos lang naman,” sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...