I left him after that. Dumating ako sa room namin na parang walang nangyari. Nagkakatuwaan pa sila Jelai nang makarating ako. Nagtaka pa sila kung bakit ako natagalan at kung saan ba talaga ako galing.
“Alpha is here,” I said.
They’re now silent because of what I said.
“As in dito? Nagkita kayo?” si Kristy ang unang nakabawi.
Tumango ako. “Galing ako sa room niya. VIP pa, sa pinakataas,” sagot ko.
Laglag ang panga nilang tatlo. Ang alam nila ay wala naman na kay Alpha ang company. Ang alam yata ng lahat ay naghihirap si Alpha. Iyon ang sinabi ni Atashia noong araw na sinugod niya ako.
“Afford pa rin magVIP kahit na walang pera? Hindi talaga ako naniniwalang walang pera ’yon. I mean, si Alpha pa ba ang mawawalan ng pera? Sobrang labo,” sabi ni Diana.
“Agree!” ani Jelai at umayos ng upo sa kama.
“May pera siya. Hindi lang kasing rami noong may company pa siyang hinahandle,” sagot ko naman.
“So anong pinag-usapan ninyo? Nagkabalikan na ba kayo?” usyoso ni Diana.
Agad akong umiling. “Pinapauwi ko na siya sa Pinas. Wala naman siyang mapapala sa akin,” sagot ko.
“Bakit?” tanong ni Kristy, parang dissapointed pa yata sa naging sagot ko.
Nakisiksik ako sa pwesto nila. Umusog si Kristy para makaupo ako ng maayos sa tabi niya.
“Hindi ko na siya mabibigyan ng anak. Hindi na ako pwedeng magkaanak pa. Kaya kung hahanapin niya ang wala sa akin, ngayon pa lang ay huwag na lang siyang sumubok sa akin ulit.”
Hindi sila sumagot. Napabuntong hininga pa si Jelai sa hindi ko malamang dahilan.
“Alam mo, parehas lang naman kayong biktima ni Atashia, e. Ang kaibahan lang, mas malala ang nakuha mong hirap,” ani Jelai.
Tumango naman si Diana. Si Kristy ay tahimik lang sa tabi ko.
“Totoo! Kingina kasi talaga nung Atashia, e. Nakakagigil sobra!” ani Diana na halatang gigil nga.
“Pero kung iyan talaga desisyon mo, kaya mo ba? Alam ko namang mahal mo si Alpha, Letter. Kaya mo bang bitawan siya?” tanong ni Kristy.
Tipid akong ngumiti sa kaniya.
“Oo naman. Kahit gaano ko pa kamahal ang isang tao, kung sa tingin kong hindi naman siya sasaya sa akin o hindi ko maibibigay ang kailangan niya, bibitawan ko. Gusto kong sumaya siya at makuha ang gusto niya, kahit na masakit iyon sa akin dahil sa ibang babae niya iyon mahahanap ay tatanggapin ko pa rin.”
“Letting go someone doesn’t mean you don’t love them or you are okay without them. It will hurt you big time, but it’s the best thing to do. Let go of the person who is not meant for you.”
“Ang sakit...” sabi ni Diana.
“Grabeng pagmamahal ’yan, Letter. Handang bumitaw kahit gaano kamahal. Kung ako ’yan, ipaglalaban ko ’yan. Ang hirap kumilala ulit ng bago, ang hirap magsimula ulit,” ani Jelai.
I sighed.
“Wala naman akong planong kumilala ulit. Wala akong planong magsimula ulit sa ganiyan. Mas priority ko ang career ko, ang sarili ko, at ang mga taong handang tumulong sa akin para makuha ko ito.”
Marami pa kaming napag-usapan. Nagkwentuhan sa mga buhay ng isa’t-isa. Konti lang ang sinabi ko sa kanila, hindi kasama ro’n ang parte ng buhay ko na masalimuot. Hindi nila kailangan pang malaman iyon. Tanging sila Aubrey lang ang nakakaalam no’n, at ang mga taong nakapanood ng video o nasa lugar kung saan sinabi ni Atashia ang tungkol doon.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...