12

69 8 0
                                    

Pero masyadong mapaglaro ang tadhana. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking kinaiinisan ko dahil sa ugali base sa nalaman ko. How the fuck I didn’t know that this guy is Mr. Hansen?

Last night, sa sobrang desperada kong makaalis sa nangungulit sa akin sa bar, pinagpanggap ko ang isang stranger bilang boyfriend ko. Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na namalayan ang mga nangyari, basta gumising na lang ako ngayon na nandito sa hindi familiar na kwarto at nasa harapan ko ang lalaking kinaiinisan ko.

Mr. Harsen was the guy last night. Siya ang nagpanggap na boyfriend ko para tigilan ako nung makulit na lalaki. And worst, may nangyari pa sa amin nitong lalaking ’to. Fuck! Siya pa naman magiging boss ko. Ano na ang gagawin ko? Ano ba kasing katangahan at hindi ko siya nakilala agad kagabi?

Well, wala naman kasi akong pakielam sa kaniya kaya siguro hindi ko na naalala ang mukha niya makalipas ang isang buwan. Ngayon ko lang ulit siya nakita, pero pinuri ko kagabi ang mukha at katawan niya. Fuck, Letter! I am so fucked up!

“I...I need to go,” nasabi ko na lang at mabilis na kinuha ang mga gamit ko.


May underwear na ako at isang malaking shirt. Siya malamang ang nagbihis sa akin. Hindi ko siya kayang pakitunguhan ngayon. Kailangan kong makaalis agad dito. Tinawagan ko si Aubrey. Palabas na ako ng unit ni Mr. Hansen. I’m glad hindi niya ako pinigilang umalis.


Habang nasa elevator ako ay inayos ko ang buhok kong gulo. Hawak ko ang dress ko at bag. Inayos ko naman ang suot kong heels. Fuck! Halatang may ginawa akong kung ano base sa ayos ko.


“Aubrey, are you busy?” tanong ko nang sagutin niya na ang tawag ko.

Sakto namang kalalabas ko lang ng elevator. Fuck! Pinagtitinginan pa ako ng mga nakakasalubong ko. Bahala na. Hindi naman nila ako kilala.

[“Why? Nandito ako sa BGC. Nasaan ka ba? Hindi ka umuwi kagabi!”]

Oh shit! Mabuti na lang nandito siya sa BGC. She can pick me up here.

“Go to Horizon Homes. Naghihintay ako rito sa labas. Please, make it fast. Pinagtitinginan na ako ng mga tao,” mahina pero mariing sabi ko sa huling pangungusap.

Pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong mahihintay rito. For Pete’s sake I am just wearing loose white shirt. Sa loob nito ay wala akong bra at tanging panty lang ang suot ko. Damn! This is the most embarrasing moment of my life.

“Letter!” sigaw ni Aubrey.

Agad akong tumakbo at pumasok sa kotse niya. Wala siyang kasama. Sa backseat na ako nakapwesto ngayon dahil akala ko may kasama siya.

“Anong nangyari sa ’yo? Bakit nandiyan ka sa Horizon Homes?” tanong niya.

“Mamaya na ako magsasabi, uwi muna tayo please. Sorry sa abala,” sabi ko.

Buong biyahe pauwi ay tahimik lang ako. Iniisip ko kung paano ko ba matatakasan ang kahihiyang ito. Magpanggap na lang akong hindi ko siya kilala? Pero kapag nagkita kami sa company niya? Paano?

“Manang, pahanda ng pagkain kay Letter!” sigaw ni Aubrey pagkapasok namin.

Dumiretso naman ako sa kwarto ko para maligo. I can’t believe lumabas ako ng building na ’yon na tanging shirt lang ang suot. I hope people didn’t recognize me. Sobrang nakakahiya talaga.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Aubrey sa hapag. Kumakain siya ng mansanas. Lumapit ako at naupo na. May pagkain na ring nakahanda para sa akin. May hot choco pa nga.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon