Week passed by fast. Sa loob ng isang linggo na ’yon ay maayos naman ang trabaho ko kay Alpha. Kapag weekend naman ay pumupunta ako kila Chef Miya, tulad ngayon.
“Kinakain niya nga, Chef. Kasi hindi ko siya iniiwan hangga’t hindi siya kumakain,” sabi ko kay Chef.
Tinawanan niya naman ako. Nagluluto kami ngayon ng bagong putahe niya. Kinakabisado ko pa ang mga recipe niya para doon. Saka ko susubukan kapag natandaan ko na ang mga rekados. Susubukan ko kapag wala akong ginagawa sa trabaho.
“Bilib na talaga ako sa ’yo, Letter. Ilang beses na ’yon na nagpalit ng cook. Nakakagulat na umabot ka ng isang linggo sa kaniya. Isang buwan ang pinakamatagal sa kaniya at tatlong araw naman ang pinakamabilis,” aniya.
Nanlaki pa ang mata ko sa gulat. Gano’n kalala ugali ni Alpha para hindi siya matagalan ng mga cook niya? Wow!
“Ikaw ’yung isang buwan?” tanong ko naman kay Chef.
Tumango siya. Abala sa paghahalo ng niluluto. Nanonood naman ako sa kaniya. Kaming dalawa lang ang nandito dahil umalis ang asawa niya. Wala pa silang anak. Bata pa naman daw si Chef, pwede pang magkaanak kahit sa susunod na taon o dalawang taon pa ang lumipas.
“Bakit pala bawal ang bisita ro’n?” tanong ko.
Taka naman akong tiningnan ni Chef. “Bawal? Nakakabisita nga sa akin ang asawa ko noon, madalas ay siya ang kasama ko sa kusina dahil boring kapag mag-isa lang.”
Oh? Bakit ang sabi sa akin bawal magpapasok ng bisita? Ang boring nga kapag mag-isa lang. Kung pwedeng magpapunta ng bisita, for sure si Aubrey ang palaging pupunta sa akin.
“Bawal daw, e. Iyon ang sinabi niya sa akin,” sambit ko.
“Baka binago na niya ang patakaran niya ro’n. Sobrang sungit niya kasi talaga. Ayaw niyang maraming nakakasalamuha.”
Habang inaayos ni Chef ang luto niya, ako naman ay nasa hapag na at binabasa ang mga nasa notebook niya na mga recipe. Ipapahiram niya raw sa akin ang isang lumang recipe notebook niya. Pwede ko iyong gamitin para kay Alpha.
“Tikman mo ito, Letter,” ani Chef.
Nilapag niya sa harapan ko ang isang mangkok na may lamang ulam. Kasunod no’n ay plato na may kanin. Tanghalian na, inabot na kami ng tanghali sa pagluluto at pagkukwentuhan.
“Grabe, Chef! The best talaga mga luto mo!” manghang sabi ko matapos tikman ang luto niya.
Tinawanan niya naman ako. Nagsimula na akong kumain, siya naman ay mamaya na raw kapag dumating na ang asawa niya. Naupo na lang siya sa tabi ko at pinanonood akong kumain.
“Baka nga mas mahigitan mo pa ako kapag tumagal. Mabilis kang matuto, Letter. Hindi ka mahirap turuan sa totoo lang. Magaling ka rin talaga,” aniya.
Ngiti ang binigay ko sa kaniya dahil doon. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Sobrang sarap ng luto ni Chef, ang dami kong nakain. Pinagpahinga niya muna ako dahil napansin niya ring marami nga akong nakain.
“Chef, thank you rito sa notebook mo, a. Ibabalik ko rin kapag nakopya ko na,” sabi ko at inangat pa ang notebook na hawak ko.
“Huwag mo nang ibalik. Sa ’yo na ’yan. Kabisado ko pa rin naman ang mga nakasulat diyan. Huwag ka nang mag-abala na ibalik pa,” sabi niya pa.
Nilagay ko na iyon sa bag ko. Uuwi na ako. Ang usapan namin ni Aubrey ay magkikita kami sa mall after ko rito. Kanina pa siya nasa mall, kasama niya naman si Sid kaya ayos lang na natagalan ako.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...