31

59 6 0
                                    

Jeris is right. Mabilis lang ang araw at hindi mo mamamalayan iyon. Mag-iisang buwan na agad kami rito. At sa mga nagdaang araw at linggo na iyon ay walang palya si Aubrey sa pagtawag sa akin. Hinihintay niyang matapos ang training ko. Sinasakto niya ang oras no’n sa kaniya. Nasa apartment siya naka-stay.

“Dumadalas na ’yang pagkahilo mo, Letter. Baka naman sobra sobra ang pagod ninyo?” si Aubrey.

Magkausap kami ngayon. Six PM dito. Twelve PM naman sa kanila ngayon. Break time niya yata sa work kaya tumawag sa akin.

Ilang linggo na ngang madalas akong nahihilo. Lalo na kapag nasa training. Hindi ko gusto ang ibang amoy ng mga niluluto namin. Madalas pa akong nasusuka dahil doon.

“Okay naman na ako,” sagot ko.

Katatapos lang ng training para sa ngayong araw. Nakahiga ako ngayon at nagpapahinga muna. Mamaya ako mag-aasikaso ng sarili ko kapag may sapat na pahinga na ako.

“Nabalitaan mo na ba?” tanong niya. Umiling naman ako. “Hindi tuloy ang kasal nila Alpha,” dagdag niya.

May parte sa aking hindi na nagulat. Na para bang alam ko namang mangyayari nga iyon. Pero may parte rin na nagulat ako. Dahil masyadong mabilis kung totoo man. Akala ko aabutin pa ng isang taon bago mangyari ito.

“Si Alpha na mismo ang nagsabi. May mga videos sa social media about doon. Hindi mo napanood?” tanong niya pa.

Umiling lang ako. “Walang time manood,” sagot ko.

Umayos siya ng upo. “So ’yon nga. Si Alpha ang nagconfirm na hindi tuloy ang kasal. At sinabi niya ring mahal ka niya,” aniya at tuwang-tuwa pa sa huling sinabi.

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit naman nangyari iyon, hindi pa rin ako babalik sa kaniya. I have my life here. Mas mahalaga ang career ko kaysa sa ibang bagay. He knows that.

“Alam mo ba, ang daming hate comments about Atashia. Ang sabi nung iba, sinira daw ni Atashia ang relasyon ninyo ni Alpha. Pero may iba namang nagsasabi na ikaw raw ang ang nanira.”

Napairap na lang ako sa sinabi niyang iyon. Bakit dinadamay nila ako? Nananahimik ako rito.

“Galit nga si Atashia. For the second time kasi hindi siya na-i-kasal ay Alpha,” natatawang sabi pa ni Aubrey.

Natapos ang pag-uusap namin dahil nagsabi na akong maglilinis na ako ng katawan at magpapahinga na rin dahil mahaba ang naging araw ko ngayon. Nakaramdam na naman ako ng hilo pero saglit lang naman iyon. Kailangan ko na talagang magpahinga.

Kinaumagahan, alas singko pa lang ay gising na ako. Nauna pa ako sa iba kong kasamahan. Maaga akong gumayak para hindi na rin makasabayan ang iba pa at para hindi sila magmadali. Nagpasya rin akong maglibot muna dahil sobrang aga ko talagang nagising ngayon.

“Letter?”

Agad akong napabaling nang marinig ko iyon. Palabas pa lang ako ng lobby nang makita ko nga si Chef Aaron.

“Chef! Good morning!” bati ko sa kaniya.

His eyebrows frowned. “Saan ka? Ang aga mo yata?” tanong niya.

Tinuro ko ang labas. “Coffee sana. Maagang nagising,” sagot ko.

He nods at me. “I’ll buy coffee, too. Sabay na tayo.”

Sa isang buwan namin dito, may kaba ako na baka pag-initan ako ni Chef Aaron. But it turns out na magkakasundo pa pala kami. Not totally so close, kapag nasa training ay mas mataas ang pwesto niya. Kapag tapos na ang training o nasa labas na kami ng room na ’yon, para na kaming magkaibigan.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon