07

103 7 1
                                    

Aubrey decided to go to the bar. Celebrating her twenty third birthday, too. Mas matanda lang naman ako ng ilang buwan sa kaniya.

“Happy Birthday, Aby!” Niyakap ko siya.

Halos nandito na ang mga kaibigan niya. Pupunta rin ang magkapatid na si Frim at Seven, invited sila. Nauna lang kami ni Aubrey para maayos namin ang mga kailangan dito sa bar.

“Thank you, Letter! Gosh! I can’t believe we’re now twenty three. Ang tanda na natin,” sabi niya at sabay pa kaming natawa.

May naka-reserved na VIP para sa aming lahat. Isang VIP room lang iyon at doon gaganapin ang birthday ni Aubrey. I bought cake for her. Sa bahay ko na ibibigay ang regalo ko para sa kaniya.

“Letter!” ang boses ni Frim ang narinig ko.

Sumalubong sa akin ang masungit na awra ni Seven, sa tabi niya naman ay ang nakangiting si Frim. Nakangiti ko ring sinalubong ang kaibigan ko.

“Late ba kami? Ang tagal kasi ni Seven gumayak,” sabi ni Frim.

Seven grunts. “Kuya Seven, Frim. Where’s your respect?” he said.

Napangiwi ako. Agad ko ring iniwas ang tingin ko nang tumingin si Seven sa gawi ko. Tinuon ko ang atensyon ko kay Frim.

“Papunta pa lang ang ibang friends ni Aubrey. She’s there,” sabi ko at tinuro si Aubrey.

Nakangiting lumapit si Aubrey sa amin, narinig yata na binanggit ko siya. Humalik siya sa pisngi ni Frim at Seven. I wonder if Aubrey and Seven are now together. Walang sinasabi si Aubrey sa akin.

“Thanks for coming!” aniya.

Inaya niya na kami sa pwesto namin. Maraming sofa, pinili ni Frim ang medyo dulo. Sa gitna ay may malaking space, para sa pagsasayaw mamaya.

“Ipakilala kita sa boyfriend ko mamaya,” bulong ni Aubrey.

Laglag naman ang panga ko. “May boyfriend ka?” gulat man, mahina pa rin ang naging tanong ko.

Tumabi siya sa akin. Nasa harapan namin ang magkapatid, may pinag-uusapan na sila lang ang nakakarinig.

“Yes. Papunta na siya. Hindi ko sinasabi sa ’yo kasi gusto ko perfect timing ang pagsasabi ko. Later, ipapakilala ko na siya. Huwag kang magtampo na hindi ko nasabi agad, a.”

Medyo gulat pa rin ako. Napatingin pa ako sa harapan at naabutan kong nakatitig sa akin si Seven. Binalik ko ang tingin kay Aubrey.

“I thought you like Seven?” bulong ko ulit, this time nakaharang na ang kamay ko sa bibig ko.

Aubrey chuckles. “Yes, I like him. Hindi naman tipong gusto ko siya as boyfriend. Infatuation lang naman ang sa akin. Saka, halata namang may gustong iba ’yan,” nakangising sabi niya.

Ramdam ko pa rin ang titig ni Seven sa akin. Hindi ko na sinubukang salubungin ang tingin niya. Dumating ang mga kaibigan ni Aubrey kaya naman nakisali ako para salubungin sila.

“Hello, Letter. Nice to see you again,” sabi ng isang kaibigan ni Aubrey na lalaki. I forgot the name.

“Hi! I forgot your name. My bad.”

He chuckles. “I’m Donis. Don na lang,” pakilala niya.

Tumango ako at tinanggap ang kamay niyang nag-a-abang. Nilipat ko sa iba ang tingin ko. Medyo marami na kami rito. Ang iba ay kumain na muna. Gutom na rin ako pero abala pa kami ni Aubrey.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon