36

62 5 0
                                    

I can feel the tension between them. Aaron still offering his hand for a hand shake but Alpha still ignoring it. Alpha is intently looking at me right now.

“Letter, wanna go home?” Aaron asked.

“Letter, let’s talk,” Alpha said.

I felt Aaron’s hand in my waist. I stiffened because of that. I noticed Alpha’s sudden change of mood. He’s mad. I can feel that.

“Pasensya na, bro. Pagod na kasi girlfriend ko,” sabi ni Aaron.

“Shut the fuck up. Hindi ka boyfriend kaya huwag kang umasta na parang may karapatan ka,” sabi naman ni Alpha.

The music is loud. Pero naririnig ko ang usapan nilang dalawa. Alpha is mad. Aaron is just chill. Hindi ko alam kung inaasar niya ba si Alpha o ano.

“Sa ating dalawa mas malaki ang chance na ako ang magkaroon ng karapatan. Ex ka na ’di ba?” si Aaron.

Bahagya kong hinawakan ang braso niya. Napatingin siya ro’n at napangising bumalik ulit kay Alpha.

“Tara na, Aaron. Huwag kayong gumawa ng eksena rito,” aya ko na sa kaniya.

Mas lalo niya lang akong hinapit palapit sa kaniya. Nanatili ang kamay ko sa braso niya at bahagya ring humigpit dahil sa gulat sa ginawa niya.

“Letter...” Alpha called me.

Hindi ko siya nilingon. Hinatak ko palabas si Aaron. Nakahawak pa rin naman siya sa baywang ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na buksan ang phone ko at i-text na lang sila Kristy para ipaalam na umalis na ako at nauna na sa kanila.

“Yabang ng ex mo. Akala mo kung sino,” ani Aaron.

“Huwag mo na lang kasing asarin. Sinasadya mo ’yang galawan mo ’no?” banat ko naman.

Natawa siya ng malakas sa akin. “Sorry for laughing. Letter, hindi ako nang-aasar sa ex mo. Pakielam ko ba sa kaniya?” aniya, natatawa pa rin.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa kalokohan niya. Mas matangkad siya sa akin. Pero naka-heels ako ngayon kaya hindi masyadong malaki ang gap niya.

“Nahihilo na ako,” ani ko.

Masyado rin kasi kaming nagmadali na lumabas. Pakiramdam ko naalog ang ulo ko. Nahihilo na ako ngayon. Sabi ko konti lang iinumin ko kanina, nilibang naman ako nila Kristy kaya naparami ang inom ko. Naubos ba naman namin ang isang boteng hard drink.

“Let’s go. Ihahatid na kita,” alok niya.

“Letter, let’s talk, please...” si Alpha.

Pagod akong nagpakawala ng malalim na hininga. Ano pa bang pag-uusapan namin? It’s been years. Hindi pa rin ba siya nakakamove on? At bakit ba nandito na naman siya?

“Bro, Letter is tired and dizzy. Hayaan mo nang umuwi, saka na kayo mag-usap kapag okay na siya,” sabi ni Aaron.

Inalalayan niya ako para makapaglakad na papunta sa parking lot. Pero hindi pa kami nakakalayo ay hinabol na naman kami ni Alpha.

“Letter... Please...”

“Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Alpha? Pagod na si Letter at kailangan niya nang umuwi,” inis nang sabi ni Aaron.

Alpha immediately punch Aaron’s face. In shock, hindi ako nakakilos agad para pigilan sila. Gumanti agad si Aaron ng suntok, mas malakas kaysa sa binigay ni Alpha dahil nakita ko na agad dumugo ang labi ni Alpha. Fuck!

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon