24

60 7 0
                                    

Pagkalabas ng elevator ay agad dumapo sa aming mga kamay na magkahawak ang tingin ng mga empleyado. Ang iba sa kanila ay nagbubulungan pa.

"Good evening, Sir Alpha," bati sa kaniya ng ilan at napapatingin sa akin ang mga ito pagkatapos.

"Goodbye, Sir! Ingat po!" sabi naman ng ilan.

Nang makalabas kami ng building ay agad inabot sa kaniya ng guard ang susi. May nakaparada na agad na kotse sa harapan namin na agad kong nasiguro na sa kaniya nga dahil pinatunog niya iyon. Pumasok ako sa loob at siya naman ay umikot pa muna para makapasok sa driver's seat.

"You tired?" he asked.

Medyo inaantok pa nga ako. Nakasandal lang ang ulo ko sa upuan nitong kotse at hindi na siya sumagot. Kinuha ko ang phone ko at naisipang kuhanan na lang ng litrato ang mga kamay namin. Ang sa akin ay nakapatong sa hita ko, ang sa kaniya naman ay nakapatong sa kamay ko.

"Are you hungry, Letter? Magluluto ako sa condo. But if you're hungry, we can order some food or drive thru?"

Tinigil ko ang ginagawa ko para masagot ang sinasabi niya. "Okay lang. Pwede namang magluto ka na lang sa condo mo," sagot ko.

Binalik ko ang atensyon ko sa phone ko. Maganda ang naging kuha ko sa kamay naming dalawa. Kaya naman nilagay ko iyon bilang home screen at nilagay ko na rin sa instagram post ko.

"Are you sure you're not hungry yet?" he asked again.

May madadaanan kaming drive thru. Hindi pa naman ako gutom. Inaantok siguro pwede pa.

"Hindi pa. Sa condo na lang tayo kumain," sagot ko.

Ti-n-ext ko si Aubrey na baka late na akong makakauwi. Sinabihan ko rin siya na kasama ko si Alpha at sa condo nito magdidinner.

Abala ako sa pagscroll sa feed ko nang mapansin ko ang ilang post. May mga usapan na ako raw ang nasa post ni Alpha.
Ang ilan pa ro'n ay mga pictures namin kanina lang. Kitang-kita na magkahawak ang kamay namin. May iilan pang pictures na nakita na pumasok ako sa kotse ni Alpha.

Nagbasa ako ng mga comments. Ang sabi sa ibang comments ay baka isa lang ako sa mga fling ni Alpha. Ang iba naman ay naniniwala na ako ang nasa post ni Alpha. Kaya naman nagdesisyon na lang akong maglog out at hindi na tingnan pa ang ibang mga post tungkol doon.

Pagkarating sa condo ay agad namang nagmasid ang mga mata ko. Ngayon ko lang nakita ang condo niya. Sobrang laki at malinis din. Maaliwalas ang paligid dahil kaunti lang ang mga gamit.

"I have shirts in my closet, Letter. If you want to take a bath, you can use my bathroom," he said.

Gusto ko ngang maligo dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko. Pero wala naman akong extra underwear na dala. Paano 'yon?

"Uhm...wala akong undergarments," mahinang sambit ko.

Nandito pa kami sa sala niya. Nilapag niya lang ang mga gamit niya sa sofa. Ako naman ay nanatiling nakatayo lang sa harapan niya.

"I have that in my other closet. Check it there," he said again.

Medyo nagtaka pa ako kung bakit may gano'n siya rito. Siguro ay marami na siyang babaeng nakakasama rito. O baka naman nagpupunta rito si Atasha?

Dumiretso na siya sa kusina. Ako naman ay tinahak ang unang kwarto na nakita ko. Hindi ako sigurado kung iyon ba ang kwarto niya. Dahan-dahan pa nga ang naging pagbukas ko sa pinto no'n. Bumungad sa akin ang kulay gray na paligid. May iilang gamit lang din sa kwarto. Tuluyan na nga akong pumasok doon.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon