33

58 7 0
                                    

The baby’s cry is always in my dream. Walang gabi na hindi ko naririnig iyon. Ang baby ko. Umiiyak siya.

“Nananaginip ka na naman,” ani Aubrey matapos akong gisingin.

Palaging ganito ang sitwasyon namin. Tuwing mananaginip ako ay si Aubrey ang gumigising sa akin. Palaging na-i-i-storbo ang tulog niya dahil sa akin. Palagi akong umiiyak matapos magising sa panaginip na iyon.

“My baby...” I whispered.

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari iyon. Palagi lang akong nasa kwarto at umiiyak. Halos hindi na nga ako makakain. Nawalan ako ng panlasa. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako masyadong kumakain, o dahil apektado rin iyon sa mga gamot na iniinom ko.

“You can’t go there, Letter. Hindi ka pa maayos,” si Seven.

Saktong isang buwan na kasi ngayon simula nang mangyari iyon, gusto ko nang bumalik sa France para ituloy ang training. Pero ayaw nila Seven dahil nga hindi pa raw ako maayos.

Mabilis bumagsak ang timbang ko dahil hindi ako masyadong kumakain. Kapag nagluluto ako, si Aubrey ang tumitikim no’n. Para akong nawalan ng kakayahang magluto. Palaging palpak ang bawat luto ko kaya sa mga sumunod na mga araw ay si Aubrey na ang nagluluto para sa amin.

“Hindi ka rin tatanggapin doon kapag ganiyan ang lagay mo. You can’t taste foods properly, Letter. Magpagaling ka rin muna, may mga meds ka pang kailangang inumin ’di ba?” ani Aubrey.

Tumango lang ako. Pakiramdam ko ang laking pabigat ko na sa kanila. Walang araw na hindi ako binisita ng magkapatid. Kahit parehas busy, nagagawa pa rin nila akong puntahan. Si Aubrey naman ay tuluyan nang umalis sa trabaho niya. Hindi na namin nagawang pag-usapan pa iyon dahil sa mga nangyari sa akin.

Hindi nila ako pinabayaan. Sinisikap ko rin namang tulungan ang sarili ko na makaahon sa problemang kinahaharap ko. Sa tuwing matutulog ako, masayang mga alaala ang iniisip ko para makaiwas ako sa pag-iisip tungkol sa nangyari sa akin. Minsan nakakatulong, pero may mga panahon na hindi pa rin maiwasan na managinip ako tungkol sa baby na nawala.

Si Alpha, nagpupunta siya rito. Palaging may dalang bulaklak para sa akin o hindi kaya minsan ay mga prutas. Aniya ay nanliligaw raw siya sa akin. Gusto niyang magkabalikan ulit kami. Kapag magkakasama silang tatlo nila Frim, hindi maiwasang magparinig ang magkapatid lalo na si Frim. Sinasaway ko na lang sila kapag gano’n. Nakikita naman namin ang efforts ni Alpha, pero hindi pa ako handa na tanggapin siya. May parte sa akin na sinisisi rin siya kung bakit nawala ang baby namin.

[“Kumusta ka na?”] si Jeris.

Magkausap kami ngayon. Nasabihan na ako nung boss namin na kung gusto kong bumalik, pwede naman. Ang kaso lang, wala pa sa tamang lagay ang panlasa ko. I can’t taste foods. Kailangan ko pang magstay rito sa Pilipinas at ayusin ang sarili ko.

“Okay naman na. Pero wala pa rin akong panlasa dahil sa rami ng gamot na iniinom ko lately,” sagot ko.

Dumungaw pa ang iba niyang kasamahan na nasa kwarto rin. Bumati sa akin ang iba at biniro pa akong miss na raw ako ni Jeris kaya bumalik na raw ako sa France. Napapakamot tuloy sa ulo si Jeris dahil sa hiyang nararamdaman.

[“Magpagaling ka, Letter. Para makabalik ka na agad dito.]

Hindi rin naman nagtagal ang usapan namin ni Jeris. Nagkwento lang siya sa mga gawain nila. Gusto ko na ring maranasan ulit iyon. Sana gumaling ako agad.

“Sino ’yon?” tanong ni Aubrey.

Napansin niya kasing may katawagan nga ako kanina. Ngayon lang siya nagtanong nang matapos akong makipag-usap.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon