We ate breakfast together. After that, bumalik na ako sa room ko. Dahil walang matatapos sa trabaho niya kapag nasa office niya lang ako. He’s clingy. Kung hindi hahalik, gusto laging hawak kamay ko or malapit ako sa kaniya.
Pumayag na ba ako na maging kami? Sa lagay na ’to hindi pa ba ako napayag?
Nagluto ako ng lunch niya. Since wala na naman akong gagawin, si Aubrey na lang ang kinausap ko.
“Nasaan ka?” takang tanong ko.
Mapuno sa background niya. Medyo nawawalan pa ng signal sa kaniya. Nasaang lupalop na naman ng Manila ang babaeng ’to?
“Nagyaya maghiking si Sid,” sagot niya naman.
Itong dalawa na ’to palagi na lang lumalabas. Kung saan saan mga pumupunta at kung anu-anong trip gawin.
“Walang signal diyan. Mamaya na lang tayo mag-usap,” sabi ko naman.
Paputul-putol kasi ang video. Masyadong mahina ang signal niya. Hindi rin kami makakapag-usap ng maayos. Kaya sa huli ay pinatay ko na lang din iyon. Inasikaso ko na lang ang lunch ni Alpha.
Hinanda ko na iyon para madala ko na sa kaniya. Inayos ko muna ang mahaba kong buhok at inalis ang net na suot ko. Tapos naman na akong magluto.
“Your lunch is here!” bungad ko sa kaniya. Nasa pintuan pa lang ako ay nakita ko na ang pag-angat ng tingin niya sa akin.
Lumapit ako at nilapag iyon sa table na nasa tabi niya. Doon palagi nilalapag ang mga pagkain niya. Mas madali raw iyon at hindi makakasagabal sa trabaho niyang nasa lamesa niya ngayon.
“Sabay tayong maglunch,” aniya.
Agad niyang hinapit ang baywang ko at niyakap. Sinubsob ang mukha niya sa tiyan ko. Para siyang pagod at ngayon ay sa akin nagpapahinga.
“Una ka nang kumain. May tinatapos ka pa, sayang ang oras,” sabi ko naman.
May mga binabasa pa nga siya kanina. Marami siyang kailangan gawin, kung hindi ako aalis dito ay wala talaga siyang matatapos na gawain.
“Why don’t you eat lunch with me?”
Bahagya ko siyang inilayo sa akin. Nakatingala siya sa akin at salubong na kilay. Mas lalo kong nakikita ang ganda ng mata niya dahil sa ganitong lapit. I really like his brown hooded eyes.
“Kumain ka na. Busog pa ako,” sagot ko.
Tuluyan na akong kumalas sa kaniya at lumapit sa lamesa kung nasaan ang pagkain niya. Agad naman din siyang sumunod, tinulak ang inuupuan niyang swivel chair.
“Kumain ka na. Ang dami mo pang kailangang tapusin sa trabaho mo,” muling sabi ko.
Sumunod naman siya. Pinanonood ko siyang kumain. Madalas din ang tingin niya sa akin habang kumakain. Nanatili akong nakatayo at hindi na pinapansin ang bawat tingin niya.
Nang matapos siyang kumain ay kinuha ko na ang mga ginamit niya. Binilinan ko rin na bumalik na sa trabaho niya. Balak na namang manlandi, umalis lang ako agad.
Wala na naman akong magawa kaya nang tumawag si Seven ay sinagot ko iyon agad. Nasa office niya yata siya. Naka-longsleeve na white at niluwagan pa ang necktie. Lunch break niya siguro.
“Hi!” bati ko.
“Hello. Kumain ka na?” tanong niya. Agad naman akong umiling. “Bakit?” tanong niya, nakakunot pa ang noo.
“Busog pa ako, e. Ikaw ba? Kumain ka na ba?” tanong ko pabalik.
Bahagya siyang lumapit sa phone. Ako naman ay nanatiling nakasandal sa sofa at hindi malapit ang phone sa mukha ko. Kita niya pa rin naman ako.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...