27

55 6 0
                                    

I guess universe want me to suffer. Isang linggo matapos ang encounter namin ni Atashia, people are bashing me now. Sa social media, ang daming hates sa akin. Comments sa mga post ko, sinasabing mang-aagaw raw ako.

And today, I saw an article. Alpha and Atashia are really engaged. It is confirmed. And now, I don’t know what to feel anymore. I called Aubrey, she’s coming here in my apartment later.

“Letter!” Aubrey called me.

Ilang minuto lang naman akong naghintay sa kaniya. Mabuti na lang din wala siyang ginagawa masyado, hindi ko na-abala. Agad siyang yumakap sa akin.

I thought I will cry. Pero walang lumabas na luha sa akin. I feel empty. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

“What was that?” she asked.

I shrugged.

“I don’t know. Alpha told me that he and Atashia are not engaged. Pero ngayon may lumabas na mga articles, they’re engaged,” sabi ko.

Kumalas si Aubrey sa yakap sa akin. Inayos niya pa ang buhok ko. Puno ng pag-aalala ang mata niya habang nakatitig sa akin.

“Nag-usap na ba kayo?” tanong niya.

Umiling ako. Wala pa kaming napag-uusapan ni Alpha. He’s busy yesterday. Ngayon naman, sabado, hindi ko alam kung nasaan siya. I don’t know what he’s doing right now.

“I guess he’s busy. Kahapon pa kami hindi nakakapag-usap,” sagot ko.

Mas lalo lang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Aubrey nang sabihin ko iyon. I don’t want to think about things that happening right now. Masyadong nakaka-drain. Ayaw kong isipin ang mga iyon.

“Kailangan ninyong mag-usap. I know Alpha will explain that to you,” ani Aubrey.

I sighed.

Aubrey stay here. Hindi na raw muna siya uuwi. Wala naman silang lakad ng boyfriend niya. Siya na ang nagluto ng lunch namin.

“Wala pa ring text man lang?” tanong ni Aubrey.

Umiling ako. Binaba ko ang phone ko sa tabi ko at sinandal ang sarili ko sa sofa. Nakaluto na si Aubrey pero hindi pa kami kakain. Hihintayin pa ang magkapatid, pupunta kasi rito.

“Hindi mo ba sinubukang tawagan or i-text?” tanong niya ulit.

Pinikit ko ang mga mata ko at umiling muli kay Aubrey. I heave another deep sigh. I don’t want to think about those stuffs. I want to rest my mind.

“Nandito na ang mga pogi!” rinig kong sabi ni Frim.

Umayos ako ng upo. Sumalubong agad sa akin ang titig ni Seven. Si Frim ay agad lumapit sa tabi ko at naupo.

“Gutom na ako, kain na tayo,” ani Frim.

Tumayo naman si Aubrey. Pinanood ko siya sa kilos niya. Tahimik siyang pumunta sa kusina. Ako ang naiinitan sa suot niya. Hanggang siko ang haba ng damit niyang suot. Samantalang ako ay nakamanipis na t-shirt lang ngayon dahil sa init ng panahon.

“Tulungan ko lang,” ani Seven na agad din namang pumunta sa kusina.

Naiwan kaming dalawa ni Frim. Siya ay prenteng nakasandal sa sofa habang ako naman ay tamang upo lang.

“Nabalitaan ko ’yung sa boyfriend mo. Ano resbakan na ba natin?” birong sabi niya pa.

Sumandal na rin ako. Agad niya pa ngang hinilig ang ulo niya sa balikat ko pagkasandal ko. Para bang inaabangan niya lang na sumandal ako para maipatong niya rin ang ulo niya sa akin. Mas komportable ang gano’ng pwesto niya.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon