We spent hours in that hills. Inabangan pa kasi namin ang sunset. Sobrang ganda. Ilang take ng pictures nga ang nagawa ko dahil sobrang ganda talaga no'n.
And now we decided to eat dinner. May mga pwedeng kainan dito. Masasarap din ang mga luto nila. Magaganda rin ang service nila rito kaya talagang dadayuhin ng mga tao.
"Want shrimp?" Alpha asked.
Siya na naman ang nag-aayos ng pagkain ko. Seafoods ang inorder namin. Nakakatakam kasi tingnan iyon. Nakita ko lang sa ibang nandito pa na kumakain, nakigaya lang ako.
"Ako na sa shrimp. Pa-help na lang ako rito sa crab," mahinang sabi ko.
Nakakahiya kasi sa mga kasama namin. Sila ang nag-aasikaso ng mga pagkain nila pero ito ako at nagpapatulong kay Alpha sa pagkuha ng laman ng crab. Marunong naman ako, pero ang laki kasi nitong crab na inorder niya.
Ang mga laman ng crab na inaalis niya ay nilalagay niya sa plato ko. Inuuna niya palagi na lagyan ang sa akin bago ang sa kaniya. Sinisiguro niya na okay ang sa akin bago siya kumain.
"Dapat pala may taga alis nung laman ng crab para mas masarap. Hindi ako na-inform," pagpaparinig ni Jelai.
Saka ko lang napansin na si Seven ang naglalagay ng pagkain kay Aubrey. Si Aaron naman ang sa babaeng nililigawan niya. At si Alpha na naglagay na naman sa plato ko ng laman ng crab.
Tinapos namin ang dinner. Bukas ay magsu-swimming naman daw kami. Meron din pala rito na pwedeng pagswimming-an. May Verdivia Falls, Secret Falls, at Talon Pari Falls. Gustong subukan nila Aubrey iyon kaya bukas ay maaga raw kaming magpunta.
"You're wearing bikini?" Alpha asked.
I nod. "Yeah. Suot ko na ngayon para mamaya ay aalisin ko na lang ito," sagot ko at tinuro pa ang suot kong loose shirt at short shorts.
He's just looking at me and nod after. Akala ko ay tututol siya sa pagsusuot ko ng bikini para mamaya. Mabuti na lang at hindi naman na niya iyon pinansin.
Naabutan namin sila Aubrey at ang iba pa sa labas ng kwarto nila. Ready naman na rin sila kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa Secret Falls. Iyon ang napili nila. Maganda naman lahat, pero mas maraming namili sa Secret Falls kaya iyon na ang pupuntahan namin ngayon.
"Careful, girls! Masyadong mabato. Ingat sa mga hakbang!" ani Frim.
Sobrang laki ng mga bato. Ang tubig ay malinaw. Lalo na ang dumadaloy na tubig sa malalaking bato, sa mismong falls. Sobrang sarap pagmasdan no'n. Malamig din ang tubig at kahit na medyo hassle ang naging pagdaan namin sa mga bato, sulit pa rin naman iyon.
"I'll take a picture of you. Look here."
Agad akong ngumiti sa camera ni Alpha. Bitbit ko pa ang maliit kong bag kung saan nakalagay ang pamalit kong damit.
"Tara na, Letter. Ang sarap magbabad dito!" sigaw ni Kristy.
Nauna na sila sa falls. Nakabikini rin ang mga kaibigan ko. Si Frim ay nakisali na rin sa kanila. Si Aaron at ang nililigawan nito, na hanggang ngayon ay hindi ko natatandaan ang pangalan, parehas nasa bato lang. Si Seven at Aubrey naman ay nag-uusap pa yata. Kami ni Alpha ay nandito lang din sa isa sa malaking bato.
"Remove your clothes. Your friends are waiting."
Nilapag ko ang bag na dala ko sa bato. Hindi ito mababasa dahil malayo pa naman ito sa tubig. May iilan din namang naglalagay ng mga gamit nila sa bato kaya ginaya ko na lang din sila. Wala naman akong importanteng bagay na nakalagay sa bag ko kaya kung mawala man iyon ay ayos lang. Damit pamalit ko lang naman ang nandoon.
"Let's go?" aya ko sa kaniya.
He look at my body. I can't hide my smile because of the way he look at me. Full of adoration. Talagang makikita sa mukha niya kung gaano siya kamangha sa katawan ko kahit na ilang beses naman niya na iyong nakita.
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...