10

82 7 0
                                    

Hinatid ako ni Seven. Six PM na akong nagpasyang umuwi dahil natulog pa ako sa condo niya. Hindi niya na raw ako ginising dahil mahimbing ang tulog ko kaya late na akong nakakain ng lunch. Inaya niya rin akong magdinner pero sinabi ko na sasabay ako kay Aubrey para kumain.

"Thanks, Seven. Ingat ka pauwi," bilin ko.

He smiled. "I will. Good night!"

Pumasok na ako sa loob. Hindi niya kasi hinahayaan na hintayin ko siyang makaalis bago ako pumasok. Gusto niyang masiguro na ligtas daw ako hanggang sa pagpasok sa loob kaya pinauuna niya ako palagi bago siya umalis.

"Akala ko hindi ka na uuwi," si Aubrey.

Hinalikan ko siya sa pisngi. Inaya niya na akong magdinner dahil nakahanda na raw ang mga pagkain. Magsisimula na raw dapat siya pero natanggap niya ang text ko kaya hinintay niya na ako.

"Nakatulog ako kaninang tanghali sa condo ni Seven. Late na akong nagising," paliwanag ko naman.

Pinagsandok ako ng ulam ni Manang. Nagpasalamat naman ako sa kaniya pagkatapos. Si Aubrey ay nagsimula nang kumain.

"Ano ba talaga mayroon sa inyong dalawa?" taas ang kilay niyang tanong.

Kasusubo ko lang ng pagkain ko kaya hindi ako nakasagot agad pero umiling ako sa kaniya.

"Madalas kayong magkasama. Kulang na lang nga ay rito na siya tumira. Pati si Frim nagtataka na sa inyo ni Seven," dagdag niya.

"Magkaibigan lang kami ni Seven. Alam naman niya 'yon," sagot ko na.

Mas tumaas ang kilay niya sa akin. Na para bang nagsisinungaling ako sa kaniya. I am telling the truth, though. Wala akong balak makipagrelasyon...muna.

"May magkaibigan bang halos maghalikan na noong pool party?" pang-asar niyang tanong sa akin.

Umirap ako sa kaniya pero natawa na lang din pagkatapos.

"Well... I like him. We like each other," pag-amin ko na.

Parang hindi na siya nagulat sa sinabi ko. Parang expected niya nang gano'n nga kami ni Seven. Masyado yata kasing halata.

"Nanliligaw ba?" tanong niya, abala sa pagkain pero nakuha pang magtanong.

Tinuon ko rin ang tingin ko sa kinakain ko. Sinagot ko pa rin naman ang tanong niya.

"No. Hindi ko pinayagan. Sinabihan niya ako, dalawang beses. Pero hindi ko pinayagan," sagot ko.

Nag-angat ako ng tingin at naabutan ko ang titig ni Aubrey sa akin. Kalaunan ay ngumiti siya sa akin at bahagyang tumango.

"I understand. Hindi mo pa kaya?" tanong niya sa malumanay na paraan.

Bahagya akong tumango. "Mas focus pa ako sa sarili ko sa ngayon. I don't want to enter relationship yet. Hindi pa ako ready. Takot pa ako."

Hindi siya umimik. Hindi ko na rin dinugtungan pa ang sinabi ko. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain.

"So may work ka na bukas?" tanong niya.

Nandito siya sa kwarto ko. Nakahiga sa kama ko at yakap ang unan kong malambot. Nagsusuklay naman ako ng buhok ko sa harapan ng salamin dahil katatapos ko lang maligo.

"Yup. Ikaw? May lakad ka bukas?" tanong ko.

Hindi naman kasi siya pinagtatrabaho ng magulang niya. Kahit gusto niyang magwork, hindi siya pinapayagan. Saka na raw kapag may asawa na siya.

"Hindi ko sure kay Sid," sagot niya naman.

Basa pa ang buhok ko kaya naman naupo na lang muna ako sa nakahigang si Aubrey. Sakto naman ding tumunog ang phone ko na nasa kamay ko naman ngayon. Seven is calling.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon