06

106 8 1
                                    

Every day I am dealing with my anxiety. Kapag umaatake, si Aubrey palagi ang kasama ko. Pinapakalma niya ako.

“May lakad kayo ni Frim?” tanong niya.

Frim is my friend. Halos isang taon na rin simula nung maging magkaibigan kami. After what happened in the bar, mas lalo niya lang akong hindi tinigilan hanggang sa maging kaibigan ko na siya.

“Yup. Early birthday celebration. Sabi ko kasi sa kaniya ikaw ang kasama ko sa mismong birthday ko,” sagot ko.

I’m twenty three. Ang bilis ng panahon. Kila Aubrey pa rin ako nakatira. May kaunting ipon na ako galing sa mga naging trabaho ko noong mga nakaraan.

Hindi ako tumatagal sa work dahil sa anxiety ko. Palaging umaatake sa tuwing may nangyayari na nakakapagpaalala sa akin sa nangyari noon.

“Ingat kayo. Enjoy!”

Nasa labas na si Frim, sinundo niya ako. Si Frim lang ang kaya kong pagkatiwalaan na lalaki. Komportable ako sa kaniya. Nahirapan siya noong umpisa pero hindi siya tumigil hangga’t hindi niya nakukuha ang tiwala ko.

“Ang ganda mo,” bungad niya pagkalapit ko sa kaniya.

Ngiti ang tinugon ko sa sinabi niya. Palagi naman kasi niya akong sinasabihan na maganda ako. Minsan kahit mukhang sabog na ako, sinasabi niya pa rin na maganda ako. Kaya hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba siya o hindi sa mga sinasabi niya.

“Nakapagpa-reserved na ako ng pwesto natin. Gusto mo sa magandang view kaya naman doon ako nagpa-reserved,” sabi niya pa habang nagda-drive.

“Sa favorite place ba natin ’yan?” excited kong tanong.

Ngumisi lang siya. Sa isang taon naming magkaibigan, halos alam na namin ang mga tungkol sa isa’t-isa. Nakilala ko si Seven, ang kapatid niya. Suplado iyon at madalang akong kausapin. Crush pa rin ni Aubrey hanggang ngayon. Mas gusto ko ang ugali ni Frim kaysa sa ugali ng kuya niya.

Si Frim kasi ay kwela. Sobrang jolly niya. Si Seven naman ay parang laging may regla, sobrang sungit. One time tinawag ko siyang Kuya Seven dahil mas matanda siya sa akin ng limang taon, nagalit ba naman sa akin. Hindi naman daw niya ako kapatid kaya huwag ko raw siyang tawaging kuya.

“Celebrating your twenty third birthday. Unang birthday mo na magkaibigan tayo,” sabi ni Frim pagkalabas namin ng kotse.

Sa favorite place nga namin kami nagpunta. Gustung-gusto ko ang lugar na ’to dahil bukod sa maganda ang ambiance; para siyang old fashioned restaurants. Mga kahoy ang nasa paligid. Sobrang ganda talaga rito. Fresh pa ang hangin dahil puro puno ang paligid nito. Open space siya at maraming dumarayo dahil sa ganda nito.

“Thank you, Frim! Hindi ka na sana nag-abala pa. Pero thank you,” sabi ko naman.

Inalalayan niya pa ako papasok sa loob. Binanggit niya lang ang pangalan niya sa isang staff. Hinatid naman kami nito papunta sa pwesto namin na naka-reserved na para sa amin.

Puro puno at mga bulaklak ang background namin dito sa pwesto namin. Sa gilid ay madudungawan ang naggagandahang mga halaman. Alam niya talagang gusto ko sa ganito. Hindi niya nakakalimutan.

“Papa-serve ko na rin ang pagkain natin,” sabi niya na agad kong tinanguan.

Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang kuhanan ng mga litrato ang magandang paligid. Hindi nakakasawang tingnan o kuhanan ng litrato ang mga halaman.

Nahagip ng camera ko ang kabilang table. May isang lalaking nakatingin sa akin. Agad kong iniwas ang tingin at ang phone ko sa gawi niya. Kay Frim ko iyon tinutok at kinuhanan na lang siya ng mga litrato.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon