21

74 8 2
                                    

“Sev, can we talk?” I asked.

Pagkalabas namin ng room ni Aubrey ay nagpasya akong ngayon din kausapin si Sev. Ganoon din naman, patagalin ko o hindi ay masasaktan ko pa rin siya. Patitigilin ko pa rin siya.

“Yeah, sure. Saan ba tayo?” tanong naman din niya.

Inaya na lang ni Aubrey si Frim sa kusina. Naiwan kami ni Seven dito. Hindi naman kami matagal mag-uusap kaya okay na rito sa sala. Naupo ako sa tabi niya.


“Seven, last night I slept with Alpha...again,” I said, almost a whisper.


Walang emosyon ang mukha niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Nakatitig lang siya sa akin at para bang hindi narinig ang sinabi ko.


“Noong natanggap ako sa trabaho, nagyaya si Aubrey na magbar. Tapos hindi ko napansin na si Alpha: ang magiging boss ko pala sa trabahong iyon. Siya ang lalaking nakasama ko nung gabing ’yon,” pagkukwento ko na.


“That’s the first time you slept with him?” tanong niya.

I nod. “I gave my virginity to him...” I look at him and wait for his response.

“Uh-huh?”

Hindi siya nagreact about sa virginity thingy. Alam niyang rape victim ako. Alam niyang...nevermind. Syempre si Seven ito. Lahat yata kayang intindihin ng lalaking ito.

“Nag-away kami dahil doon. Uhm... I told him I’m a rape victim. Pero sinasabi ko raw na virgin ako noong may nangyari sa amin. ”

Nakikinig lang si Seven. Matamang nakatitig sa akin. Hindi ko pa rin makitaan ng emosyon ang mata niya.


“Pero pagkatapos no’n, nag-iba ang tungo niya sa akin. Hindi ko man bigyan ng kahulugan ang mga galaw niya noon, pero mapapansin talaga na mayroon iyon,” dagdag ko.


Seven sighed. “He likes you. I know that,” he said.


Medyo nagulat pa ako ro’n. Hindi ko alam kung magkilala ba sila ni Alpha. Well, siguro nagkikita sila sa mga gatherings or ibang events. Hindi naman kasi nalalayo ang estado ni Seven sa kung anong meron si Alpha.


“So he was there last night, too? Sa Boracay. Lemme guess, ito ba ’yung time na nagpaalam ka at hindi mo na ako hinayaang sumama sa ’yo?” he asked.

Dahan dahan ang naging pagtango ko. Kanina habang iniisip ko ’to ay parang ang dali lang gawin. Pero ngayong kausap ko na si Seven, parang hirap na hirap na akong magbanggit ng mga salita. Pakiramdam ko bawat salita ko ay nasasaktan ko siya.


“You slept with him...” he whispered.


Naiiwas ko ang tingin ko. Ang mga kamay ko ay magkasiklop ngayon, bahagya pa itong nanginginig. Kinakabahan ako. Natatakot na masaktan ko si Seven kahit na alam kong hindi iyon maiiwasan.


“Do you like me?” he asked.


Napabaling ako sa kaniya. Nanatiling seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

“Yes. I told you that I like you, right?” mahinang sagot ko.


He slowly nod. “Do you like Alpha?” he asked again.


Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ako sigurado sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para kay Alpha.


“Do you love him?”


Mas lalong hindi ko kayang sagutin ang tanong niyang ito. Hindi ko na nga nasagot ang una, ito pa kayang huli?


Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ko ro’n. Bahagya kong kinagat ang labi ko para mas lalong pigilan na magsalita muna.


Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon