Contest na. Ilang oras na lang ay magsisimula na. Inihahanda na ang mga kailangan namin sa pagluluto. Kabado ako sobra. Magkakahiwalay ang table namin nila Jeris. Hindi ko kilala ang nasa magkabilang gilid ko, pero kasali naman sila sa contest. Pinaghiwa-hiwalay kasi talaga ang magkaka-team.
“We have an hour to prepare, everyone!” Chef Aaron said.
An hour left. Kailangan ko na mag-asikaso ng sarili ko. Itinali ko na ang buhok ko at nilagyan ng hair net. Inasikaso ko ang sarilk ko habang may oras pang nakalaan para sa amin. We can use phone, kaya naman nakapagreply pa ako sa mga messages. Alpha sent me a message. Gusto niya raw manood pero hindi naman siya pwedeng pumasok dito. Sa live lang siya pwedeng manood mamaya.
“Goodluck, Letter!” ani Chef Aaron nang madaan siya sa pwesto ko.
Ngiti lang ang naging tugon ko sa kaniya. Naging mabilis ang oras. Mas lalo akong kinabahan. Natataranta ang mga nasa gilid ko sa pag-aayos ng mga gagamitin nila. Hindi ako pwedeng magpaapekto. Mas lalo akong kakabahan kung papansinin ko iyon.
I heaved a deep sigh. I can do this. I need to focus. Isipin ko na lang na normal training lang ito. Magluluto lang ako na parang normal lang at wala sa contest. I know I can do this.
“Five minutes left. Everyone, get ready because the contest will be start by ten. Thank you!”
Ready naman ako. Nakaayos na lahat ng kailangan ko. Napakuluan na ang pork na gagamitin ko. Thirty minutes lang ang kailangan para matapos sa pagluluto. Ang napili kong putahe ay ang pinoy pork binagoongan. Napag-usapan naman na namin nila Kristy iyon. Ang sa kanilang dalawa ay French food, dahil iyon ang gusto ng mga judge. Susubok lang kami ng ibang putahe, at napili ko nga ay pork binagoongan.
The contest started. Focus na focus ako ngayon sa bawat ginagawa ko. Tahimik ang mga tao at tanging ingay lang mula sa mga kasangkapan na gamit at sa pagluluto ang naririnig ngayon. May mga camera na lumilibot sa bawat pwesto namin dahil naka-live na rin kami ngayon. Sinabihan ko si Aubrey na may live ngayon sa page mismo nung contest. Wala naman siyang reply sa akin, baka busy pa siya.
Masyadong maamoy ang luto ko dahil sa bagoong. May isang judge pa ngang napatakip sa ilong. Pero kahit gano’n, sisiguraduhin ko namang masarap ito. Instead of sugar, I used soda for this dish. Mas masarap kapag nilagyan ng sprite imbes na tubig o asukal. Mas malasa ang magiging luto. Nagluto rin ako ng kanin dahil sigurado akong hahanapan nila ako ng kanin.
Nang matapos akong magluto ay nilagay ko na iyon sa isang puting mangkok. Naglagay rin ako ng kanin sa plato at inilagay iyon sa harapan kasama ang pork binagoongan. Inayos ko ang mga ginamit ko habang may natitira pang oras. Nilinis ko ang table para presentableng tingnan. I put the small vase beside the dish as a design. May nagpipicture kasi minsan kaya dapat maganda ang maging ayos ng luto at ang background din.
“Put your hands on your back, fellow contestants. The judgement is about to start now,” the mc said.
Tumayo ako ng maayos at nilagay ang dalawang kamay sa likod ko. Nasa harapan ko ang table at ang niluto ko. May mauuna pa sa akin pero kabadong-kabado na ako.
Nararamdaman ko rin ang pagvibrate ng phone ko. Naka-silent ito at nasa bulsa ko.Pasimple ko iyong tiningnan. Tumatawag si Frim sa akin. Alam niyang nasa contest ako ngayon. Bakit siya tumatawag?
Binalik ko sa bulsa ko iyon at muling umayos ng tayo. Nasa kabilang table na ang mga judge. Ako na ang susunod. Lumapit naman sa akin si Aaron nang tumagal ang judge sa kabilang table.
“Emergency raw. Your friend, Aubrey, is in the hospital. Alpha is outside. He booked a flight for the both of you,” he said.
Para akong nabingi sa sinabi niya. Bakit nasa ospital si Aubrey? Ano ang nangyari?
BINABASA MO ANG
Losing to your Touch (Touch Series #1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she was seventeen, her parents died because of the car accident. Her Auntie Matilda adopted her. Her Uncl...