28

56 6 0
                                    

Hindi madali ang mga araw na lumipas. Sa tuwing lalabas ako, maririnig ko ang mga tungkol sa akin. Sa tuwing magbubukas ako ng social media accounts ko, mga issue rin tungkol sa amin ang nakikita ko. That's why I decided to deactivate my social media accounts. Gumawa lang ako ng bago at sila Aubrey lang ang kinakausap ko ro'n kapag kailangan, o kapag hindi sila nakakabisita sa apartment ko.

Alpha didn't show up again. Sinunod niya ang gusto ko na huwag magpakita sa akin. Hindi na rin ako nakikibalita pa tungkol sa kanila. Hindi ko na rin pinagtutuunan ng pansin ang mga naririnig ko.

"Hatid kita?" tanong ni Seven sa akin.

Siya lang ang nandito sa apartment ko ngayong araw. Isang linggo mahigit na akong hindi pumapasok sa Hansen Company. Of course, bakit ko pa itutuloy ang trabaho ko ro'n kung ayaw ko na ngang magkita pa kami ni Alpha.

"Yes. Thanks!"

Naghanap agad ako ng trabaho matapos ang nangyaring iyon. Hindi ko nga alam kung dahil ba magaling ako magluto, o nakuha lang ako dahil alam nilang sa Hansen Company ako nanggaling?

Kilalang restaurant din ang napasukan ko. Hindi ko na ipinakilala pa ang sarili ko dahil alam naman daw nila kung sino ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ikainis. Kilala nila ako na ex ni Alpha. Parang ang swerte pa nila dahil napunta ako sa kanila. Which is so irritating. Ayaw ko ng gano'n. Pero sayang naman kung aalis ako sa work ko dahil lang sa dahilan na iyon.

"Balita ko in-offer-an ka nila, a? Saang bansa nga iyon?" tanong ni Seven.

Nag-offer sa akin ang restaurant na pinagta-trabaho-an ko ngayon. May isang malaking branch sila sa ibang bansa, sa France. Gusto nilang doon na lang ako para mas malaking opportunities din. Pwede akong ipanlaban sa mga contest ng mga chef. Kapag mas nakilala ako, maraming opportunities pa raw ang matatanggap ko. Baka makilala rin ako bilang isa sa magaling na chef.

Tempting isn't it? Pero hindi naman kasi tungkol sa kasikatan ang gusto ko. Ang gusto ko ay magawa ko ang mga hilig ko. Gusto kong magtrabaho hindi dahil gusto kong sumikat ako or what. Mas gusto ko pa ngang simpleng buhay lang.

"Sa France. Pero hindi ko pa sure kung papayag ako," sagot ko kay Seven.

Napabaling siya sa akin saglit. "Bakit naman hindi? Sayang 'yon. Mas mahahasa rin ang galing mo ro'n kasi susubok ka ng ibang foods," aniya.

May point naman siya ro'n. Pero hindi pa kasi ako sigurado. Ayaw kong magdesisyon basta-basta. Mahirap makipagsapalaran sa ibang bansa.

"Gaano ba katagal? May training pa ba 'yon?" muling tanong niya.

"Meron. Aabutin ng mahigit tatlong taon sa training. Kapag natapos, magstay pa ro'n ng ilang taon. Depende rin sa akin kung tatagal ba ako ro'n o mas pipiliin kong dito na lang magstay," paliwanag ko.

Nagpark na siya. Hindi naman ako agad bumaba. Maaga pa naman.

"Pero kung magtraining ka sa ibang bansa, tapos uuwi ka rito kapag natapos na, pwede iyon?" tanong niya ulit.


Tumango naman ako. "Yes. Pwede 'yon. At kapag nakapasa sa training, malaki ang posibilities na maging chef na talaga. Yung tulad ng mga chef na nakikita natin sa tv," sagot ko.

"Go for it, Letter. Sayang ang opportunities kung tatanggihan mo ang offer sa 'yo."

Hindi pa ako sigurado. May parte sa akin na gustong umalis at magtraining. May parte naman na gustong manatili lang dito sa Pilipinas. Alam kong umaasa pa rin ako sa amin ni Alpha, normal lang naman iyon dahil bago pa lang kaming naghiwalay.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon