26

66 7 1
                                    

Nauna akong makarating kay Alpha sa office niya. Si Rean ang sumalubong sa akin kanina.

“Nasaan ang boss mo?” tanong ko sa kaniya.

Parehas kaming nandito ngayon sa office ni Alpha. It’s seven in the morning. Karaniwan ay alas sais pa lang nandito na si Alpha. Late yata siya ngayon.

“Nasa meeting po siya, Miss Letter. Hindi na po nakapagsabi sa inyo?” sagot ni Rean.

Simula nang malaman ng lahat dito na may relasyon kami ni Alpha, parang tinuring na rin nila akong boss nila. Sa tuwing madadaanan ko ang ibang empleyado, bumabati o yumuyuko pa sila sa akin.

Naupo ako sa swivel chair ni Alpha. Dito na lang ako maghihintay kay Alpha. Hindi pa iyon nagbe-breakfast. Hindi ko alam kung anong oras ang tapos ng meeting niya.

“Hintayin ko na lang si Alpha rito, Rean. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka,” sabi ko.

She nod. “Tawagan na lang din po ninyo ako kapag may kailangan kayo, Miss Letter.”

Naiwan akong mag-isa rito sa office ni Alpha. Ang boring kaya naman pinakielaman ko na lang ang laptop niyang nandito sa table. Hinahayaan naman niya akong galawin ito minsan.

Nagpatugtog na lang ako, mahina lang iyon, sapat na para ako lang ang makarinig. Mas dama ko ang kanta dahil tahimik ang paligid at tanging ang kanta lang ang maririnig. Sa ilang minuto kong pakikinig, napansin kong may text pala sa akin si Alpha nang mapatingin ako sa phone ko.

Abcd:

Hey, baby! Sorry I forgot to tell you that I have meeting today. Let’s have lunch together after this.

Agad naman akong nagtipa ng reply para sa kaniya.

Ako:

Nandito ako sa office mo. Ginagamit ko ang laptop mo, nagpapatugtog ako. What do you want for lunch? Maghahanda na ako mamaya.

Maaga pa, ilang oras pa siguro siya sa meeting nila. Sana lang makapagreply siya ng gusto niyang lunch. Pero kung wala, ako na lang ang bahalang mag-isip ng para sa lunch naming dalawa.

Nang wala akong matanggap na reply ay nagpasya akong bumalik na lang sa room ko. Pinatay ko ang laptop ni Alpha at inayos ko rin ang swivel chair niya. Palabas na ako nang makasalubong ko si Rean na hinihingal pa.

“Miss Letter...”

Natigil ako at tiningnan siya. Nagmadali pa yata siya para makaakyat dito. Sabi ko naman ay pwede niya akong tawagan kung may kailangan siya.

“Miss Letter, si Miss Atashia kasi papunta na rito. Ilang beses ko siyang sinabihan na hindi siya pwede rito pero ang kulit niya kasi,” sabi ni Rean.

Nagsalubong ang kilay ko. Ilang buwan ko na ngang hindi nakita ang babaeng iyon. Ang huling pagkikita namin ay sa mall pa yata, hindi sinasadyang pagkikita. Nagkasagutan kami dahil inagaw ko raw sa kaniya si Alpha.

“Nasa lobby ba?” tanong ko.

“Paakyat na rin siya kani--”

“Where’s Alpha?” Atashia asked.

Palapit na siya sa amin. Sumusugod siyang pumunta rito. Bahagya niya pa kaming tinulak para makapasok siya sa loob ng office ni Alpha. Si Rean ay agad na pumwesto sa gilid ko, parang takot na takot dahil kay Atashia.

“Where’s my fiancé?” she asked again.

I chuckles. Her fiancé? How delusional she is.

“My boyfriend is in the meeting, Atashia,” I answered.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon