18

70 9 0
                                    

Napatigil ako sa pagsasayaw. Hindi ko namalayang nawala na pala sa tabi ko si Aubrey. O, ako yata ang nawala sa tabi niya? Ang daming tao, hindi ko siya kayang hanapin dito.

“Letter, can we talk?” the familiar voice said again.

I look at him. The lights changing color in red, blue and green. I can’t see the guy properly, I feel dizzy.

“Let’s go to the second floor. Let’s talk,” he said again.

Mas lalo lang akong nahilo habang naglalakad. Hawak niya ang kamay ko at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Sobrang ingay ng paligid. Naramdaman ko ang bawat step ng hagdan. Oh, right, sa second floor nga pala kami pupunta.

Mas makakapag-usap nga naman ng maayos dito. Iilan lang ang tao at madilim nga lang. Mas malakas ang tugtog sa baba. Siguro ay kaya may second floor ay para dito magmake out. May nakita ako sa isang sulok na naghahalikan.

Lumapit ako sa railings para makita ang mga tao sa ibaba. Sobrang dami pala talaga. Makikita ko ba sila Seven mula rito?
Baka hinahanap na nila ako.

“Letter...”

I felt him at my back. Napadako rin ang tingin ko sa railings kung saan ang dalawang kamay niya ay nakalagay rin, kinukulong ako gamit ang mga iyon.

Humarap ako sa kaniya, tinalikuran ko ang pinanonood kong mga tao sa baba. Madilim man, nakikita ko pa rin naman siya kahit papaano. Lalo na at malapit naman siya sa akin. I can see his eyes furrowed.

“You look familiar,” I said while looking at him intently.

Nagsalubong ang kilay niya at bahagya pang lumapit sa akin. Matangkad siya. Bahagyang nakayuko ngayon para lang magtama ang tingin naming dalawa.

“Kamukha mo ’yung boss kong sobrang sungit. Nakasagutan ko siya kanina sa office. Napakasama kasi ng ugali,” dagdag ko pa.

His jaw clenched. “Uh huh?”

“Tinapon niya ’yung hinanda kong pagkain para sa kaniya. Tapos ang sakit sakit ng mga sinabi niya sa akin. He didn’t know me enough para sabihan niya ako ng gano’n. Kahit ilang beses kong pinaliwanag sa kaniya, sa tingin ko hindi niya pa rin ako naintindihan. Kaya galit ako sa kaniya. Birthday ko ngayon. Tapos gano’n mga sinabi niya. Nakakainis siya sobra!”

I felt his arm snake around my waist. I stiffen for a second.


“You’re mad at me?” he whispered.


Mas lalo akong nahihilo. “Huh?”


“Letter is not here. Ano namang gagawin niya rito?” I heard Frim’s voice.

Bahagya kong tinulak ang lalaking nasa harapan ko. At first, ayaw niya pang bumitaw sa akin, but I push him again.

I went to Frim and Seven. Seven automatically snake his arm around my waist and hold my face.

“Why are you here?” he asked.


Sinandal ko ang sarili ko sa kaniya. Nahihilo na ako. Humigpit ang yakap niya sa akin. Naririnig ko ang usapan nilang magkapatid pero hindi ko maintindihan.


“Nasa labas na si Aubrey. Ihatid mo na sila pauwi,” si Frim ang nagsalita.

Seven carry me like a newly wed. I snake my arms in his nape. My eyes are shut and I feel dizzy.


“Let’s go home, Letter. You’re drunk,” he whispered in my ears. He even kiss my cheek.


I don’t know what happened after that. Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo ko. Sobrang sakit na hindi ko pa nagawang makabangon agad.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon